Aurora POV
"Ugh!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa kumikirot ito ng konti.epekto siguro ito ng sibrang pag iyak ko kahapon.
"What a pleasant morning" bumangon ako at naligo. Agad akong lumabas sa silid at inilibot ang paningin ko sa mga dingding.
Nakalaya na ang mga kababayan ko at sigudado akong nasa bayan na sila ngayon. Ako nalang ang taong naiwan dito.
Na miss ko naman si Shena pati ang kakulitan niya. Kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam ko pag nandyan siya.
ngayon mag isa na naman ako.
"Anong iniisip mo binibining Aurora" muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang pag sulpot ni Xander sa gilid ko. Topless pa siya at may bitbit na espadang kahoy. Puno din siya ng pawis
"Wag ka ngang basta basta nalang sumusulpot" reklamo ko. Napakamot naman siya sa batok niya.
"Kanina pa kaya ako dito, di mo lang napansin" napa pout nalang ako.
"Bat nakahubad ka?" Ilang beses ko nang nakitang topless si Xander noon habang ginagamot ko ang mga sugat niya, pero di ko parin maiwasang ma mangha sa katawan niya.
"Nagsasanay kami ngayon binibining Aurora" nagsasanay?
"Eh bat ka nandito?" Napatikhim pa siya.
"Mamatay ako sa pagod binibining Aurora. Ang hari ba naman ang nagsasanay samin" ang hari? Nagsasanay din siya ngayon?
"Arghhh!" Nabaling ang atensiyon ko sa mga naririnig kong pag daing. Napadaan kasi kami sa isang hall kung saang nadaming nagtitipong mga bampira. Sila yung bagong mga alipin galing sa pinatumbang kaharian ng hari.
"Sunod!" Sigaw nung lalaking may hawak na bumabagang bakal. Nakapila ang ibang bampira habang isa isa silang minamarkahan.
"Anong nangyayari?" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil ramdam ko yung sakit.
"Sila ang mga bagong alipin na dala nang hari nung isang araw. kailangan silang tatakan para malaman ng iba na alipin sila ng kaharian sa hilaga" kailangan pa ba talaga yun? Aren't they too possessive. Kahit alipin ay ayaw nilang makuha ng iba.
"Ang... Ang hari ba ang nag utos nito?" Napatingin sakin si Xander at nag aalangan pang sumagot.
"Hindi?" Patanong na sagot niya.
"Pero sang ayon siya" dugtong pa niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"matagal na panahon na kasi itong ginagawa ng ninuno ng hari sa kaharian ng mga bampira kaya naging tradisiyon na ito bago paman maipanganak ang hari. At sinasabi ko na sang ayon ang hari dito dahil di niya ito pinatigil nung siya na ang namumuno" tumango tango nalang ako. Malamang di niya ipatitigil to, pakiramdam ko nga mas gusto pa niya ang ideyang to.
"You. Get lost" napaatras ako sa biglang pagsulpot ni prinsipe Chase. Kahit si Xander ay napakunot din ang noo.
"Pasensya na mahal na prinsipe ngunit, inatasan akong dalhin si binibining Aurora sa hari" ngumisi lang ang prinsipe.at isa pa wala namang sinasabi kanina si Xander na sinusundo niya ako.
"Kung ikaw kaya dalhin ko sa huling hantungan mo" pagsabat ng prinsipe kay Xander at hinawakan pa ako sa braso na para bang nasisiguro siya na gusto kong sumama sa kanya.
"Karangalan sa akin yun mahal na prinsipe. Ngunit siguraduhin mong di tayo magkikita dun pag ihatid ka din ng hari sa huli mong hantugan--" gusto kong matawa dun kung hindi lang sana tinangka ng prinsipe na sakalin si Xander.