DESTINY 16

20 2 0
                                    

Aurora POV

"Magandang pagbati,binibining Aurora" parang anghel na ngumiti sakin si prinsesa Natalya, ang prinsesa sa kaharian ng Erin. Napakahinhin niya,pero kasing hina ko kaya siya? No. mas mahina ako... Bampira siya eh.

Pero bat siya nandito? wag niyang sabihin na na miss niya ang hari ng mga bampira,eh parang kahapon lang naman kami pumunta sa kanila.

"di ko akalaing magkikita tayo agad prinsesa Natalya" I mean masyado kang excited. Di naman sa ayaw ko sa kanya, I don't hate her but I don't like her either. Mabait naman siya pero parang may kakaiba lang akong nararamdaman, o baka masyado lang akong mapanghusga.

"Ah inimbitahan kasi ako ni binibining Caliyah para maghapunan dito" nilagay pa niya ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng tenga niya.

'Wala ba kayong hapunan sa inyo?'

"Meron pero mas gusto ko dito, dun kasi sa kaharian namin ay lagi nalang kaming dalawa ni ama ang naghahapunan" ack! sabi na nga ba at mababasa niya ang iniisip ko.

"Ah biro lang yun, pwede ka namang maghapunan dito kahit kailan mo gusto" Alam kong gusto mo lang makita crush mo.

"Talaga?" Eh?

"Ha?" Anong talaga?

"Sabi mo pwede akong maghapunan dito kahit kailan ko gusto.kaya kong pumunta dito araw araw binibining Aurora. Mabilis kasing kumilos ang mga bampira" excited pa nyang sabi.

'Ang kapal naman ng mukha niya'

"Uhmm..." Napayuko naman siya kaya gusto kong iuntog ulo ko.

"I-I mean---"

"Di ko inaasahang magiging magaspang ka sa bisita ko. Baka nakakalimutan mong prinsesa siya ng kaharian sa kanluran" biglang sulpot ni prinsesa Caliyah. Anong bang buhay ang meron ako! Yumuko ako para humingi nang paumanhin sa dumi ng isip ko.

"Paumanhin mahal na prinsesa Natayla,ang prinsesa ng kanluran. Dahil sa inasal ko ay di ko ako karapat dapat na makisalo sa inyo sa hapag kainan.Mananatili nalang ako sa aking silid para magsisi sa aking ginawa hehe" agad kong hinatak si Xander para umalis sa silid na yun pero pagtalikod ko ay nasa harap ko na ang hari. Napatingin pa siya sa kamay ko na nakahawak kay Xander kaya agad ko yung binitawan.

"Where are you going?" Napansin ko na may mga talsik ng dugo ang kanyang itim na damit meron din sa mukha niya. San ba siya galing?

"Mahal na hari, aking kapatid.di ko inaasahang dada--"

"Where are you going?" Pag uulit na tanong ng hari sakin at di pinansin si prinsesa Caliyah.

"s-sa silid" napangisi siya.

"You are eager to do it huh" do what? Magsasasalita dapat ako nang hatakin niya ako papunta sa hapag at pinaupo sa upuan katabi niya.

"Vos postulo manducare ut non deficient postea (You need to eat, so that you won't faint later)" ano bang pinagsasabi niya? Or mali lang yung pagkakaintindi ko?

"Maligayang pagbati mahal na hari" bati ni prinsesa Natalya pero kagaya ni prinsesa Caliyah ay di rin siya pinansin ng hari.

"Eat" inabot niya saakin ang ibat-ibang plato ng pagkain at umutos pa na dagdagan ang mga pagkain sa mesa. Ramdam ko naman ang matalim na tingin sakin ni prinsesa Caliyah at ang malamig na tingin ni prinsesa Natalya.

"d-di ko to mauubos" napayuko ako nang maramdaman kong nakatingin silang lahat sakin. Inabot ko nalang ang tinidor sa gilid.

'Isaksak ko nalang kaya tong tinidor sa leeg ko?'

destined to a vampire Where stories live. Discover now