DESTINY 12

61 6 0
                                    

Aurora POV

Ini-enjoy ko ang pagkain ngayon dahil ako lang mag isa, inagahan ko talaga ang gising ko para di ko masabayan ang mga prinsesa at prinsipe.

Nagpaalam din si Xander at Clark sakin na di muna nila ako masasamahan dahil nag hahanda sila sa pag dating ng hari. Napatingin ako sa umupo sa tabi ko, napasimangot ako nang makita si prinsipe Chase. Ugh! ang malas ko talaga!

"Nakipagkita ka kay prinsipe Klint kagabi?" Bungad niya sabay inom ng alak, kay aga aga naglalasing ang lalaking to.

"May gusto siya sayo" Ang malisyoso talaga ng mga tao dito.

"Pinasyal niya lang ako kagabi" di ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya.

"Nang magkahawak ang kamay?" Saka niya nilagok ang natirang alak sa baso niya.

"Oo" maikling sagot ko, muntik na akong atakihin sa puso nang malakas niyang ibinagsak ang baso sa mesa na lumikha ng ingay sa buong silid.

"Ano bang problema mo?" Pinanatili kong kalmado ang sarili ko pero naiinis na talaga ako sa kanya.

"He can't love you.you we're bitten by my brother" kumunot ang noo ko, humilom na ang sugat ko. Porket nakagat na ako ay di na ako pwedeng ibigin,Ano ako may rabies?

"Anong ibig mong sabihin?" Curious lang ako, akala ko kasi itutuloy niya yung sasabihin niya.

"Ibig sabihin sa kanya kalang napapasailalim" ilang beses niya nang sinabi yan pero di ko parin naiintindihan. Ano naman ngayon?

"Bakit ikaw?" Balik ko sa kanya dahil miski siya ay pinipilit ang sarili niya sakin.

"Nakatakdang mamatay ang hari at sa oras na mangyari yun ay pwede na kitang angkinin" kinilabutan naman ako sa sinabi niya, he's a psycho.

"Well, sabihin mo na lang yan pag nagawa mo na ang sinasabi mo, dahil sa oras na to ay wala kapang karapatan" tumayo ako at naglakad papalayo pero sa isang iglap ay nasa harap ko na siya. Hinawakan niya ako sa braso at inilapit ang labi niya sa tenga ko

"Dadating ang araw na luluhod ka sakin" bulong niya. I shrug saka inalis ang kamay niyang nakahawak sakin. Disgusting!

"Okay" nagpatuloy ako sa paglalakad.

Ugh! gusto ko lang naman mag agahan ng tahimik bakit ba laging may nanggugulo sakin?.

"Binibining Aurora ang aga mo atang nagising" nilingon ko si prinsesa Caliyah, kasama niya sina prinsesa Hailey at prinsipe Klint. Bigla naman akong nailang.

"Magandang umaga binibining Aurora" Gumuhit ang ngiti sa labi ng prinsipe.

"M-Magandang umaga" nakangiti ko ding bati.

"Wag nyong gagawin yan sa harap ng hari" galit na naman si prinsesa Caliyah.

"Wala namang masama sa pag babatian aking pinsan" pagtatanggol ni Hailey at kinindatan pa ako na akala niya ikinatuwa ko yun. pinitik ni prinsesa Caliyah ang buhok niya bago nag salita.

"Sumama ka sa akin para makapaghanda ka sa pag dating ng hari. At kayong dalawa... " bumaling siya sa dalawa niyang pinsan.

"Bumalik na kayo sa kaharian nyo at lumayo kayo kay Aurora" marahas niyang akong hinatak paalis dun. Ang harsh talaga magsalita ng babaeng to!

Dinala niya ako sa silid kung saan dito din niya ako dinala at inayusan noon bago isagawa ang ritwal. As expected ay dumiretso sya sa malaking aparador at binuksan yun saka tumambad ang nagagandahang damit.

destined to a vampire Where stories live. Discover now