DESTINY 10

62 4 0
                                    

Aurora POV

Napatitig ako sa napakataas na kisame ng kaharian. Napaisip ako sa sinabi ni Xander tungkol sa pakikipaglaban ng hari.ginagawa pala talaga ng niya ang lahat para mas lalong mapalakas ang sakop ng kaharian.

Kaya pala ganun nalang ka gusto ng hari na magkaroon ng bago tagapagmana ang kaharian niya dahil masasayang ang lahat ng pinaghirapan niya pag namatay na siya.o di kaya magiging alipin ang kanyang nasasakupan sa ibang kaharian.

Kanina nakita ko na ang lungkot ng mukha ni Xander habang sinasabi ang mga binitawan niyang salita. That's right. Ano nalang ang mangyayari sa kanila ni Clark kung sakaling mamatay ang hari.

"Pero magkakaroon naman ng bagong hari diba?" Napaupo ako sa kama habang kinakausap ang sarili ko. Nakasaad sa propisiya na kailangang magkaroon ng bagong tagapagmana upang di bumagsak ang kaharian nila.

"Ang anak ko ang magmamana ng lahat ng yun" iniling ko ang ulo ko at pinaghahampas. Ano bang pinag iisip ko.

Pero! Kung anak ko na ang maghahari sa mga bampira ibig sabihin di na nila sasalakayin ang bayan namin?

"Arghhh!" Ansama ko namang magulang! Ipapahamak ko talaga ang anak ko? How can I do that. Di ko dapat hahayaan ang anak ko na magkaroon ng koneksyon sa mga bampira.

Tumayo ako saka lumabas ng silid, nakahawi ang lahat ng kurtina dahil gabi na. Kitang kita ang napakalaking buwan mula sa salamin na bintana kaya maliwanag ang pasilyo.

"Kasal na sila wala na akong magagawa, nagawa na ang ritwal" napatigil ako sa silid ni prinsesa Hailey. Rinig na rinig ko ang paghikbi niya. Sumilip ako sa nakauwang niyang pinto.nakaupo siya sa sahig habang nakapatong ang ulo niya sa kama at umiiyak pero mas napansin ko ang kasama niyang lalaki, nakatalikod ito sa pinto kaya di ko makita ang kanyang mukha pero kahit ganun ay alam ko kung sino yun...

Si Clark.

"di ko inaakalang buhay pa ang babaeng yun! antagal tagal ko nang naghinatay para mahalin ako ng hari, konti nalang sana kaso bumalik pa siya!" napataas naman ang kilay ko sa pinagsasabi niya. Ako bang tinutukoy niya? Bat parang ako pa yung sinisisi niya eh nananahimik lang ako sa bayan namin.

"Binibining Aurora anong ginagawa mo?" Napatalon naman ako sa gulat nang may nag salita sa likuran ko. Agad kong tinakpan ang bibig ni Xander at sumenyas na sumilip siya sa pinto.

"Bakit?" Tanong neto. Napairap naman ako at sumilip ulit sa pinto, ganun din ang ginawa niya.

"Ano ba ang kulang sakin at hindi ako matipuhan ng hari" nakita ang pagkunot ng noo ni Xander dahil sa pinagsasabi ni prinsesa Hailey.

"Bakit hindi nalang kasi ako?" Nagkatinginan kami ni Xander sa sinabi ni Clark saka kami natawa kaya Napatingin sila sa direksyon namin.

"Sinong nandyan?" Tanong ni Clark at naglakad papunta samin. Hinawakan ako ni Xander at sa isang iglap ay nasa ibang parte na kami ng kaharian. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumawa.

"Waahahahh di ko inasahan yun" Napahawak ako sa tiyan ko habang tumatawa.

"Akalain mo si prinsesa Hailey pala ang tipo ni Clark,ibang klase din ang lalaking yun!" sabi ni Xander habang tumatawa din.

"HAHAHA oo nga si prinsesa Hailey pala ang crush niya" Pag uulit ko sa sinabi ni Xander.

"Bakit di nalang kasi ako?" Pag gagaya pa ni Xander sa sinabi ni Clark kanina kaya mas lalo kaming natawa. Maya maya ay humupa na ang tawa namin saka sumeryoso ang mukha ni Xander.

destined to a vampire Where stories live. Discover now