DESTINY 19

17 2 0
                                    

Aurora POV

Nagising ako dahil may biglang humatak sakin papaupo, halos lumabas ang kaluluwa ko sa sobrang gulat. Agad kong tinignan nang masama si prinsesa Caliyah.

"Oh gising kana pala,tamang tama magsisimula na ang training mo" nag flip hair pa siya. Napahawak muna ako sa dibdib ko dahil di pako kumakalma sa ginawa niya

"Pwede mo naman akong gisingin nang maayos,di yung bigla mo nalang akong hahatakin diyan" napataas ang kilay niya.

"Mag dadalawang oras na kitang ginigising" di naman ako makapaniwala sa sinabi niya dahil di naman ako tulog mantika.

"Talaga?" Panigurado ko.

"Hindi...hinatak na agad kita para isang gisingan nalang" napabuntong hininga nalang ako dahil nasira na ang araw ko.

Ang gandang umaga talaga.

"Anong oras na ba?" Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong di pa sumusikat ang araw.

"4 A.M and 13 minutes" alas quatro palang?

"Ang aga naman ata" inalis ko ang kumot na naka balot sakin at tumayo sa kama.

"Tsk Ilang oras ba dapat ang tulog niyong mga tao?" Sa inaasal niya ay mukhang siya pa yung naiinis, eh ako tong inistorbo niya ang tulog.

"Di bale" naglakad nalang ako patungong banyo para maligo dahil ayoko nang dagdagan ang kamalasan ko.

"I'll give you 5 minutes to prepare" I paused pero tumuloy na din sa pag pasok sa banyo. Natapos akong maligo ng 5 minutes pero di ako lumabas at pinatagal yun ng konti bago lumabas.

"Gusto mo talaga akong hamunin huh?" Halata ang pagkainis sa mukha nito na para bang 5 hours akong na late.

"Whatever. Let's go" sumunod ako sa kanya. Lumabas kami sa kaharian kung saan may malaking espasyo dito, it's like a field, malawak ito at puro damo lang ang makikita. May iilan ding mga bampira na nakabantay sa paligid.

"First let's start with a warm up" pumalakpak pa siya para makuha ang atensiyon ko.napangiti ako dahil mukhang normal na training lang namam pala ang gagawin...but my smile suddenly disappeared nang pinakita niya ang latigo niya.

"As long na sumusunod ka ay di ka masasaktan" napalunok ako.

"You're going to hit me?" She flipped her hair bago sumagot.

"Can't I? I'm in-charge. Ako ang pinakamagaling na taga sanay sa kaharian, kaya nga sakin ka binilin ng kapatid ko" tinesting pa niya ang latigong hawak niya sa ere at nag dulot ito ng malakas na tunog. Sigurado akong masakit yun pag tumama sakin.

"Di mo ba natandaan yung deal natin kahapon na bawal mo na akong maltrutuhin?" Paalala ko sa kanya. Matapos kong isalba ang kapatid niya ay gaganituhin nyako?

"Maltrato? Oh you are very wrong Aurora. It's discipline. Kasama sa training ang pag dedesiplina" wow she's really good at words.

"Now run" utos niya.di naman ako gumalaw dahil nag hihintay pa ako sa idudugtong niya pero nabalot lang kami ng katahimikan. So Walang nang supporting details yun? Saan ako tatakbo? At bat ako tatakbo.

"Give me 20 rounds" she tilt her head na parang sinasabi na kung ano pa ang tinatayo tayo ko.

"Iikutin ko ang field nang dalawampung beses?" Baliw ba siya? Isang ikot palang ata mamatay nako eh.nakalimutan ba niyang mahina ako?

"Yun ang sinabi ko diba?"

"Mamatay ako. Saka anong klaseng warm up yun? Over do agad" angal ko.

destined to a vampire Where stories live. Discover now