Aurora POV
"Alam nyo bang nakakainis kayo?" Namumula kong sabi kina Xander at Clark. Parang mamamatay na kasi sila sa tawa nang ikwenento ko sa kanila ang nangyari kagabi.
"Nagsinungaling kayo sakin! di nyo ba alam na pwede akong mapahamak sa ginawa niyo?" dugtong ko pa. Ang galing nila gumawa ng kwento na may malalang kondisyon daw ang hari ng bampira.natakot tuloy ako dahil akala ko ay ako ang magsisilbing pagkain niya.
"Patawarin mo kami binibining Aurora" paumanhin ni Xander pero tumatawa pa din.
'Pero nais kong malaman ang dahilan ng hari'
"Bakit kailangan nya ng bagong taga pagmana?" Wala sa sarili kong sambit at kumagat sa tinapay na binigay nila. Napatigil naman ang dalawa sa pag tawa at naging seryoso.
"Ganito kasi yun---" hinarang ko naman ang palad ko sa mukha ni Xander.
"Gusto kong malaman ang totoo di yung imbento nyo lang" tumikhim pa sya.
"Sayang may bago pa naman sana akong kwento na ginagawa" sumenyas ako na sabihin nya sakin.
"Ito totoo nato.Mamamatay kasi ang hari---"
"Sabi ko gusto kong malaman ang totoo at hindi yung imbento lang" pag uulit ko pa sa sinabi ko.
"Pero totoo ang sinasabi ko"
"Imortal kayo, pano siya mamamatay?" nagkatinginan pa silang dalawa at nagkabit balikat.
"Yung ang naka saad sa propesiya" Anong propisisya?
"Nakasaad sa propesiya na mamamatay ang hari ng kadiliman at malamang ang anak niya ang papalit sa kanya sa trono" that's weird dahil mukhang normal na propisiya lang yun at wala man lang tinatago na kahulugan.
"Papatayin siya? Di ba mukhang anak niya yung papatay sa kanya?" Suhestiyon ko. Nagkatinginan silang dalawa.
"Di maaari. Dahil kung yan ang mangyayari sana di na naghahanap ang hari ng taga pagmana na papatay pala sa kanya" Xander is right. maaring kailangan lang talaga ng hari ng tagapagmana dahil napapalapit na ang kamatayan niya. Napansin kong natahimik na naman si Clark. Does he know something?
"Bat mukhang limitado yung kaalaman niyo?" At mukhang di pa sila sigurado sa mga pinagsasabi nila.
"Di naman kasi namin nabasa ang buong propisiya. Tanging nakaktaas lang an pwedeng magbasa nun kaya bumabase lang kami sa usap-usapan" Ganun? So may posibilidad na di totoo ang sinasabi nila o di kaya may kadugtong yung propisiya na mamakasagot ng tanong namin?
'Do we need to investigate?'
"Pero naniniwala kayo dun? At saka bakit ako?"
"Dahil ikaw ang napili ng hari" at?
"Paano mamamatay ang hari eh napaka makapangyarihan siya?" They just shrug. Ako lang ba ang curious sa kahahantungan ng hari?
"Wala na kaming alam tungkol diyan. Ang problema lang namin ngayon ay dapat makahanap kami ng bagong tagapagmana dahil sa oras na mamatay ang hari namin ay lulubog ang aming kaharian" ganun? Ibig sabihin...
'kung ayaw kong dalhin ang anak ng hari ay may posibilidad na babagsak na ang mga bampira'
"Mali" Muntik na akong mapatalon nung nagsalita si Clark malapit sa tenga ko. Nananadya ba siya? Kanina pa siya tahimik tas bigla nalang siyang magsaaalita at sa tenga ko pa talaga!
"di ibig sabihin na pag bumagsak ang kaharian namin ay babagsak na lahat ng bampira.kaharian lang namin ang babagsak at para madagdagan ang kaalaman mo, madami pang ibang kaharian na pinamumunuan ng iba pang mga bampira" eh? May iba pang kaharian maliban dito?