DESTINY 5

118 19 4
                                    

Aurora POV

"Gagawin ko ang lahat ng gusto mo wag mo lang pahirapan ang mga kababayan ko" napahinto siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Anything?" sa tono niya ay alam kong may binabalak siyang masama. Huminga ako nang malalim.

"Kahit ano" madiin kong sagot.

Lumapit siya sakin habang ako ay napaatras hanggang sa mapasandal ako sa pader.Tinignan niya ako sa mata. Sobrang pula ng mata niya ngunit di ko man lang magawang umiwas ng tingin.

"I will do something to you and all you have todo is to stand still"

"Yun lang?"

"Ofcourse" lumapit siya sakin, sobrang lapit. Nagulat ako sa susunod na nangyari. hinalikan niya ako...

'Anong ginagawa niya?'

Dumapo ang kamay ko sa dibdib niya para itulak siya ngunit...

'I'll be mad if you push me away...' Sabi niya sa isip ko. Kaya imbis na itulak ko siya ay napakapit nalang ako sa damit niya.

Ramdam ko ang pangil niya na nakakasugat sa labi ko, unti unti niya pinasok ang dila niya sa bibig ko but I can't react. Sa pagkakataong to ay sinubukan ko siyang itulak ngunit masyado siya malakas. Naramdaman ko din ang isa pa niyang kamay sa bewang ko.

'Akala ko ba di niya ako pwedeng galawin hanggang di pa natapos ang ritwal nga kasal?' Humiwalay siya sa paghalik sakin at dumapo ang labi niya sa tenga.

"Hindi nga pwede" bulong niya bago lumayo ng konti sakin at tumingin sa mata ko.

"Pero wala akong pakialam" saka niya muling pinagdikit ang labi namin.

"Anong kamangmangan ang ginagawa mo mahal na hari!" Napatigil ang hari sa ginagawa niya. biglang hinawi ng mangkukulam ang hari papalayo sakin habang ako ay naka sandal pa din sa pader at gulat na nakatingin sa mangkukulam.

'San siya nanggaling? Di ko man siya napansin!'

Napabuntong hininga naman ang hari at sumimangot. Nilagay pa nya ang kamay niya sa kanyang bulsa.

"Ilang beses ko bang kailangang ipaaalala sayo na di mo siya pwedeng galawin hanggang di pa nagagawa ang ritwal!ang ibig sabihin ng wag galawin ay bawal mo siyang hawakan ,tignan,o kahit lumapit!" Pangaral ng mangkukulam sa hari.napayuko naman ako dahil sa kahihiyan, kahit di ko naman kasalanan ang nangyari. Para din akong nanonood ng lola na pinapagalitan ang kanyang apo.

"At ikaw naman Aurora... " sakin naman siya bumaling.nanlaki ang mata ko sa gulat. Pagagalitan din ba nya ako?

"Naghihintay si Xander sa iyo sa dulo ng pasilyo, salubungin mo siya" nakayuko naman akong umalis dun.I think it's really embarassing that someone caught you kissing. nakasalubong ko si Xander pero wala si Clark.

"Binibining Aurora kailangan mo nang mag handa para..." Di natapos ni Xander ang sasabihin niya nang nilagpasan ko lang siya. Ilang segundo pa bago siya nakagalaw sa kinatatayuan niya at sumunod sakin.

"Binibining Aurora g-galit ka pa rin ba?" Di ko siya sinagot.

"Alam mo na di namin kailan man masusuway ang hari, ngunit ginawa namin ang lahat para di mapaslang ang mga kababayan mo" tumigil ako sa paglalakad.

"Ako ang nag suhestiyon na ikulong nalang sila kesa patayin, yun nalang kasi ang naisip kong paraan" napabuntong hininga ako.alam kong takot silang suwayin ang hari.

destined to a vampire Where stories live. Discover now