Life 29

7.7K 265 71
                                    



"Tin, gising ka na. Ginawan kita ng almusal mo." Sabi ni Jimin.




"Salamat, Chim." Sabi ko.




Simula kahapon, ayan na ang tinawag ko sakanya. Hindi ko rin alam kung sa'n ko nakuha 'yon. Basta, ang cute cute lang.



"May gagawin lang ako sa labas. Sumunod ka na lang, okay?"




"Sige."



Habang kumakain ako biglang sumakit ang ulo ko. Masyado pa lang malaki ang bato na tumama sa ulo ko.




"Ate Tiana. Good morning. Kamusta naman pakiramdam mo?" Tanong ni Shan na kakadating lang.




"Medyo masakit lang ang ulo ko." Sabi ko.




"Ha? Teka lang. Sandal ka na lang diyan, Ate. Ako na lang magsusubo sa'yo nito." Ngumiti na lang ako bilang pagsagot. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Wala rin akong magagawa dahil hindi ko rin kaya.




Natapos akong kumain. Nag-stay na muna siya dito sa tent.




"Kamusta na kayo ni JR?" Tanong ko.




"Medyo okay naman, Ate. Madalas na po siyang magselos. Ewan ko, naguguluhan ako sakanya. Naninibago ako. Sabi niya wala daw dapat akong ibang nilalapitan kundi siya lang. Kailangan siya lang ang tinitignan ko. Ang weird niya, Ate. Grabe!" 





Napangiti naman ako. "Malapit na, Shan. Natututunan ka na niyang mahalin." 






"Sana nga, Ate. Sana lang talaga at matutunan na niya akong mahalin. Mahal na mahal ko po kasi talaga siya. Siya lang, wala ng iba...."





A Life With Him (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon