Lumipas ang dalawang araw. Nakauwi na 'ko sa bahay. Nakita ko si Jimin nasa sala namin. Hinatid ako nila Jin, kasama mga barkada niya.
Nakakatakot yung awra niya ngayon. Parang takot akong kausapin siya.
Didiretso na sana ako paakyat ng kwarto ko nang bigla siyang nagsalita.
"Sino nagsabi sa'yo na pwede kang umakyat?"
"Siguro naman pwede na 'kong matulog sa kwarto ko ngayon."
"Hindi pwede. Dito ka matutulog. Hindi pa tapos ang trabaho mo." Sabi niya.
"Grabe, Jimin! Hindi ka ba naawa sa'kin?! Pagpahingahin mo naman ako!" Sigaw ko sakanya.
"Pahinga? Eh mukhang tamang pahinga na ang dalawang linggo!" Sabi niya.
"Jimin, hanggang kailangan ka ba magiging ganyan katigas?!"
"Naging ganito lang naman ako dahil sa'yo eh! Kundi mo sana ako nagustuhan, edi sana nandito pa rin si Jannina ngayon! Nasa tabi ko pa rin siya. Sana buhay pa rin siya!" Dahil do'n napaiyak na 'ko. "Nang dahil sa'yo naging miserable ang buhay ko, alam mo ba 'yon?! Ha, Tiana?!" Mas lalo akong napaiyak nang makita kong may tumulong luha mula sa mga mata niya.
"Bakit ba ako sinisisi mo?!" Buong tapang kong saad. "Kagustuhan ko ba 'to, Jimin?! Ilang beses ko ba uulit na magulang natin ang may gusto nito, hindi ako! Lagi na lang ako!" Saka ko pinunasan ang luha ko.
"Oo, inaamin kong mahal kita! Sobra kitang mahal. Pero, hindi ko isisiksik yung sarili ko sa taong hindi naman ako magugustuhan kahit kailan! Hindi ako gano'n, Jimin. Sa totoo lang, makukuntento na lang ako na tingnan tingnan ka sa malayo! Makuntento na makita kang masaya sa piling niya." Nakatingin lang siya sa'kin habang umiiyak siya. "Hindi ko kasalanan 'to, Jimin! Hindi ako." Napaupo na lang ako sa sahig.
"Alam mo ba, sa tuwing sinisisi mo sa'kin ang pagpapakamatay ni Jannina. Sobrang akong nasasaktan. Pakiramdam ko kasalanan ko lahat. Lahat na lang sa'kin binibintang. Tao rin ako, Jimin. Meron din akong pakiramdam. Nasasaktan din ako. Tinatanggap ko ang pananakit mo sa'kin. Yung paninigaw mo sa'kin. Lahat-lahat 'yon, tanggap ko. Pero habang nararamdaman ko 'yon, tingin ko pinaparusahan ako sa kasalanang hindi ko naman alam na ginawa ko." Pinunasan ko ang luha ko. Tinignan ko siya. Nakaupo siya sa mahabang sofa namin.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Mabuti na lang at nakabukas.
BINABASA MO ANG
A Life With Him (Jimin Fanfiction)
FanfictionA life with him is the best thing that comes to my life. But also, a life with him is the reason of why my heart is breaking into pieces. [Jimin's Fanfiction] All Rights Reserved~ @-deerqueen [completed]