Life 20

8.7K 287 117
                                    


"Tiana!"


Lumingon ako sa likod upang makita kung sino man ang tumawag sa'kin. Nakita kong tumatakbo papunta sa'kin si Tricia.


Nandito kasi ako sa labas ng bahay. Nagpapahangin lang. Si Jimin kasi umalis kasama nang mga grupo niya.


"Tricia?"


Niyakap niya ako bigla. "Sorry, Tiana. Sorry talaga sa mga inasal ko. Mapapatawad mo pa ba ako?"


Niyakap ko rin siya at naiyak ako. "Oo naman. Bestfriend kita eh." Sabi ko.

"Thank you, Tiana. Sorry talaga." Humiwalay ako sa yakap at ngumiti ako sakanya.


"Okay lang 'yon, Tricia. Hayaan mo na. Tapos na 'yon, okay? Tara sa loob." Sabi ko.


Nagtungo kami sa sala at nanood muna kami.


"Asa'n nga pala si Jimin?"


"Umalis sila kasama ang mga members niya. Maya-maya siguro ay nandito na yung mga 'yon. Kasi sandali lang daw nila kakausapin yung Manager nila. Papaalam kasi pupunta kaming laguna bukas." Sabi ko.


"Magbabakasyon kayo?"


"Oo. Sumama ka na lang din. Plano na kasi nila 'yon."


Tumango siya. "Oh sige. Sasama ako."


Lumipas ang ilang oras, nakarating na sila Jimin.


"Tricia?" Sabi ni Namjoon.


"Hello." Bati ni Tricia.


"Okay ka na ba, Tin? Kamusta naman pakiramdam mo?" Tanong ni Jimin saka lumapit sa'kin.


"Okay lang ako, Jimin." Sabi ko.


Hinalikan niya ang noo ko. "Ako na maghahanda ng gamit nating dalawa. Aakyat lang ako saglit." Sabi niya saka dumiretso na sa second floor.


Tumingin ako kay Taehyung. Medyo nao-awkward siguro siya kay Tricia na ngayon ay nanonood lang nang TV.


"Tiana." Tawag ni Jin sa'kin.


"Bakit, Jin?"


"Wala. Namiss lang kita."


Natawa naman ako. "Namiss? Grabe. Araw-araw naman tayong nagkikita." Sabi ko.


"Iba pa rin syempre yung nakakasama kita. Nagbati lang kayo ni Jimin, hindi mo na 'ko masyadong pinapansin."


Kinurot ko naman ang ilong niya, "Ikaw talaga. Masyado kang matampuhin. Babawi na lang ako, okay? Lilibre pa kita."

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon