Lumipas na ang isang linggo. Malapit na ang sembreak. Meron na ngang plano sila Jimin. Gusto daw nila sa resthouse nila Suga.
"Ilang araw naman tayo do'n?" Tanong ni Suga.
"Edi hanggang sa matapos ang sembreak. Siguro mga sabado, umuwi na tayo." Sabi ni Jimin.
"Oh sige. Excited na ako." Sabi ni Taehyung. Bumalik na siya sa pagiging masayahin niya. Na-realize na niya siguro.
Hindi ko na rin nakikita ulit si Tricia. Hindi ko nanaman alam kung ano nang nangyari sakanya.
Dumating na ang teacher namin sa Music.
"Okay, class. Magkakaroon tayo ng ballroom dancing. Ayon ang magiging topic natin ngayong 3rd grading." Nagsigawan naman yung mga classmate ko. Gustong-gusto nila may partner.
"Kami na po bang bahala na maghanap nang partner namin?" Tanong nang isang classmate namin na lalaki.
"Yes, of course."
"Ayon! Partner ko na yung babaeng 'yon!" Sabi ni Jungkook.
"Ano?! Kookie naman eh. Akin nga 'yon, 'diba?" Sabi ni Suga.
"Tss! Nauna ako."
"Mas matanda ako sa'yo, Jungkook."
"Mas bata naman ako sa'yo, kailangan ang mas matanda, eh nagpapaubaya na." Wala namang nagawa si Suga, dahil totoo naman ang sinabi ni Jungkook. Sarap buhay talaga 'pag bunso ka.
"Basta ako, wala na akong problema. May asawa ako!" Sabi ni Jimin saka ako inakbayan. Napangiti naman ako.
"Tss! Edi ikaw na. Bukas talaga meron na 'kong girlfriend." Sabi ni Namjoon.
"Sus. Narinig ko na 'yan last year, hyung. Wala namang nangyayari." Sabi ni Jungkook.
"Aba, bastos ka! Sinasabi mo bang hindi ako gwapo?"
"Hindi naman. Pero, medyo." Binato naman siya nang notebook ni Namjoon. Natawa naman kami biglang lahat.
"Basta. Tayo ang partner, Tin." Sabi ni Jimin.
"Oo naman!" Sabi ko.
"Good." Nangiti naman ako. Ang possessive na ni Jimin.
Habang nag-uusap usap kaming lahat. Bigla na lang ako hinila ni Jimin.
"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta. Tara na." Sabi niya. Tumayo naman ako. Lumabas kaming dalawa sa classroom.
Naglalakad kami sa hallway. Hindi naman kami nagmamadali. Normal na lakad ang ginagawa namin ngayon.
"Sa'n mo ba balak pumunta?" Tanong ko.
"Wala lang. Gusto ko lang maglakad kasama ka." Sabi niya habang nakangiti. Nababaliw na ata ang asawa ko.
"Nako, Jimin. Baka mahal mo na ako niyan, ha?" Pang-aasar ko. Napatingin naman siya sa'kin. "Joke lang, 'to naman." Sabi ko.
"I'm sorry, Tin." Biglang sambit niya.
"Ayan ka nanaman sa pagso-sorry mo. Bakit ka ba sorry nang sorry?"
"I'm sorry for not loving you." Napatigil naman ako bigla. Bigla nanaman akong meron naramdaman sa puso ko na parang merong tumutusok. "Sorry kasi parang ayaw nang puso ko na magmahal nang iba.....si Jannina pa rin talaga." Napapikit naman ako nang mariin. Sobrang sakit. Hindi niya na talaga maaalis si Jannina sa puso niya.
BINABASA MO ANG
A Life With Him (Jimin Fanfiction)
FanfictionA life with him is the best thing that comes to my life. But also, a life with him is the reason of why my heart is breaking into pieces. [Jimin's Fanfiction] All Rights Reserved~ @-deerqueen [completed]