SUGA'S POV"Teka, teka. Hindi niyo na kailangan mataranta. Kaya ko sarili ko, okay? Swag men~!"
Ayan yung lagi kong line. Swag. Swag ako eh. Tsaka hindi niyo natatanong. Ako ang pinakagwapo sa buong BTS. Pero syempre joke lang 'yon. Magagalit ang mga ka-grupo ko.
"Puro ka kasi daldal. Bilisan mo na diyan." Sabi ni Namjoon-hyung.
"Oo na, hyung. Sandali na lang."
Pagkababa ko, nakita ko sila na prenteng nakaupo sa sofa namin sa sala.
"Si Jimin?" Tanong ko.
"Nando'n sa bahay nila. Hindi maiwan ang asawa eh. Alam mo naman 'yon, bumabawi kay Tiana." Sagot ni Taehyung.
"Tsaka nandito naman ako eh. Kahapon sinuportahan mo 'ko, hyung. Ako naman ngayon." Sabi ni Jungkook.
Okay na sila ni Thea. Alam na din ni Thea ang tungkol sa gagawin ko kay Simone. Na magso-sorry ako sakanya. Kaya ngayon, dinala na ata ni Thea si Simone sa park kung sa'n kami magkikita.
Ngayon ay buma-byahe na kami papunta sa park.
"Parehas kayo ni Kookie. Hindi man lang kinakabahan." Sabi ni Jin-hyung.
"Wala naman ako non, hyung. Swag nga kasi ako."
"Ewan sa'yo. Puro ka kalokohan."
Binelatan ko na lang siya at nanahimik na lang hanggang sa makarating na kami sa park.
"Bumaba ka na diyan, Swagger." Sabi ni Jungkook.
"Oo na. Chill ka na lang diyan. Porket okay na kayo ni Thea mo."
Nang makababa ako, iniwanan na nila ako agad. Nakita ko naman si Thea na kakalabas lang mula sa park.
"Oh, Suga. Ikaw pala."
"Thea..hello. Andiyan na ba si Simone?"
"Oo. Puntahan mo na lang."
"Salamat."
Lumakad na ako papasok. Maraming tao. Natanaw ko naman ang natitinda ng balloon. Merong naka-caught ng attention ko. Pa-heart na balloon, color red.
"Kuya, bilhin ko na yung dalawang balloon na 'yan. Yung heart." Sabi ko tapos binigay ko sakanya yung isang libo ko. Agad ko naman kinuha 'yon. "Salamat po. Keep the change!"
Hinahanap ko si Simone hanggang sa matanaw ko siya sa isang bench at nakaupo.
Nang humarap siya. Halos bumilis ang tibok ng puso ko.
Napakaganda niya. Makalaglag panga. Nagsisisi talaga ako na pinakalawan ko pa ang anghel na 'to.
SIMONE JAN'S POV
Nagulat ako dahil nasa harapan ko na si Suga. Meron siyang dala-dalang dalawang red heart balloon.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Ako nagpapunta sa'yo dito, Jan."
Tila naging tambol ang tibok ng puso ko. Ang lakas maka-kabog. Jusko po! Ayan. Ayan ang tawag niya sa'kin nung kami pa. Nung panahon pa na niloloko niya lang pala ako.
Hindi ko kasi alam na playboy siya eh. Pinaniwala niya lang ako. Sabi niya, binago ko siya. Sabi niya hindi na daw maglalaro ng babae. Pero hindi. Isa pa rin ako sa pinaglaruan niya. Isa pa rin ako sa niloko niya.
BINABASA MO ANG
A Life With Him (Jimin Fanfiction)
FanficA life with him is the best thing that comes to my life. But also, a life with him is the reason of why my heart is breaking into pieces. [Jimin's Fanfiction] All Rights Reserved~ @-deerqueen [completed]