Life 38

8K 255 94
                                    


Nagising si Tricia. Bumungad sakanya ang BTS pero wala si Jungkook at Jimin.


"Tricia, gising ka na." Sabi ni Namjoon.


"Nasa'n ako?" Tanong ni Tricia habang nakahawak sa ulo niya at parang hirap na hirap dumilat.


"Nasa hospital ka. Nahimatay ka kasi kanina nung dinala mo dito si Taehyung."


Nang dahil do'n biglang bumalikwas si Tricia sa pagbanggit pa lang ng pangalan ni V. "Si Taehyung! Asa'n na nga pala siya?! Anong nangyari kay Taehyung?!"


"Teka, teka! 'Wag ka munang gumalaw masyado Tricia! Hindi mo pa kaya!" Pag-awat ni Suga.


"Hindi, hindi. Si Taehyung, kailangan ko siyang makita!" Bigla na lang bumagsak ang luha niya. Naaalala niya pa nung napukpok nang pagkalakas-lakas si Taehyung.


Niyakap na lang siya ni Namjoon. "Shh! Tahan na, Tricia." Paga-alo sakanya.


"Si Tiana? Yung bestfriend ko? Pwede ko ba siyang makita?" Mahinahon niyang sabi.


Tinignan naman ni Namjoon si Suga saka tumango.


Nang makarating sila sa kwarto ni Tiana, naiyak na lang bigla si Tricia. Sobrang miss na miss niya ang bestfriend niya.


"Tiana.." Lumingon naman agad si Tiana saka niya nakita ang bestfriend niya. Napatulala siya nang makita niya si Tricia.


"Tricia?"


"Oo, Tiana. Ako 'to si Tricia. Yung totoong Tricia. Yung bestfriend mo.."


Kinaya ni Tricia na makatayo sa wheelchair at saka inabot si Tiana para yakapin. "Ryleigh! Miss na miss na miss kita."


Niyakap siya ng mahigpit ni Tiana. "God, Tricia. Akala ko hindi na kita makikita. Sobra-sobra akong nag-alala sa'yo. Mabuti na lang at nandito ka na."


Hinawakan ni Tricia ang magkabilang pisngi ni Tiana. "Anong ginawa sa'yo ni Jannina?"


Umiling-iling siya. "'Wag mo na intindihin. Tapos na 'to."


"Kinidnap ako ni Jannina. Kinulong niya ako. Hindi ko naman alam na gagamitin niya pala ang mukha ko. Sobra akong natakot. Akala ko katapusan ko na."


Hinawakan naman siya si Tiana. "Gagawin namin lahat para lang hindi mapahamak ang isa sa'tin."


"Too late, Ryleigh. Nandito si Taehyung sa hospital."


"What? What happened to him?"


"Napukpok siya sa ulo. When he's trying to save me. Meron kasing dalawang lalaki na gustong kumuha sa'kin. Niligtas ako ni Taehyung pero hindi ko alam na nagising yung lalaki na binugbog niya tapos pinukpok siya ng malakas."


"Asa'n siya?"


"Hindi ko alam ang lagay niya. Ayaw akong papuntahin nila Namjoon."


"Si Jin din nandito sa hospital. Nabaril din siya ni Jannina."


Nanlaki naman ang mata ni Tricia. "A-ano? Pati siya nadamay? Grabe! Sobrang sama talaga ni Jannina. Sana siya na lang nagsa-suffer nang ganito!"


—-


Sa kabilang dako. Hindi mapakali si Jimin. Kasama niya si Jungkook na ngayon ay nasa room ni Taehyung. Merong benda sa ulo niya at maputlang-maputla ang labi niya.


A Life With Him (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon