Life 27

9.2K 276 164
                                    



"Ate Tiana, pwede bang sumama muna ako sa'yo? May pupuntahan pa daw sila JR eh." Sabi ni Shan.



"Oo naman. Tara." Sabi ko. Ngumiti naman siya.



Papunta kami ngayon sa canteen para kumain. Nasa tabi ko naman si Jimin. Nakakunot nanaman ang noo.



"Hoy, Jimin. Parang kanina lang nakangiti ka habang naglalakad tayo, tapos ngayon, nakabusangot ka nanaman. Ano nanaman bang ine-emote emote mo?"



Hindi niya naman ako sinagot. Nasa canteen na kaming dalawa. Tumigil ako.



"Shan, nakikita mo yung table do'n? Ayon oh. Yung merong malaking ilong?" Tumango naman siya. Medyo natawa ako sa sinabi ko. "Puntahan mo. Ayan yung mga kasama namin. Mauna ka na lang. Meron lang akong papakalmahin dito." Sabi ko. Ngumiti naman siya at umalis na.



Tumingin ako kay Jimin na hanggang ngayon ay nakakunot parin ang noo. "Jimin! Ano nanaman bang problema mo?" Naka-taas kilay kong tanong.



"Wala, wala. Tara na. Nagugutom na 'ko." Sabi niya.



"Hep! Ano nga sabi eh. Bakit hindi mo nanaman ako kinikibo?"



"Kailangan pa bang itanong 'yan, Tin? Hindi ba halata? Nag....nagseselos ako." Dahil do'n, napatawa ako ng 'di oras. "Fuck! Kita mo nang nagseselos na nga, 'diba?! Bakit kailangan mo pa akong tawanan?!" Frustrated na sabi niya.



"Nakakatawa ka kasi. Para kang bata. Hello? Babae 'yon, Jimin. Napakatanga mo naman kung magseselos ka lang do'n." Sabi ko.



"Hindi naman kasi dahil do'n, Tin. Kasi....nawawala atensyon mo sa'kin." Seryoso niyang sabi.



Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya. "Jimin naman. Asawa kita, okay? Imposibleng mawala ang atensyon ko sa'yo. Tsaka, si Shan? She needs a friend. Kaya nga nandito ako para maging ate sakanya. Kasi....parehas lang tayo ng sitwasyon nila Shan."



Napakunot noo niya. "What do you mean?"



"Arrange Marriage lang din. Katulad ko, hindi siya mahal nang asawa niya. Pero siya mahal niya 'yon. Ayoko sanang sabihin sa'yo 'to, Jimin. Kasi sabi niya wala daw nakaka-alam sa labas. Sa loob lang nang pamilya nila. Sinabi ko sa'yo 'to para maintindihan mo kung bakit hindi ko siya malalayuan. Mabait si Shan, Jimin. Alam mo naman wala akong kapatid, 'diba? Kaya sana naman hayaan mo akong maging ate kay Shan."

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon