Nasa tabi ko lang si Jimin. Habang ako nakahiga at nanonood, siya naman ay nakatutok sa kanyang telepono.
Bakit kaya siya nandito? 'Diba dapat nakikipag-bonding siya sa mga kaibigan niya.
Gusto ko siyang tanungin, pero umuurong yung dila ko. Kasi parang kapag tinanong ko siya, hindi naman niya ako sagutin.
Hinayaan ko na lang muna siya. Nanood na ako. Mabuti na lang at Koreanovelas sa KBS ang channel dito.
Nasa hospital kasi ako. Hindi lang dahil sa sugat na natamo ko, kundi dahil na rin sa pag atake ng hika ko. Pero ni-request ko sa doktor ko na 'wag sabihin sa asawa ko ang tungkol don.
Ayokong malaman niya.
Nakaramdam ako nang gutom.
Hindi naman masyadong malayo sa akin at table sa katabi ng kama ko. Kaya kahit sobrang sakit ng braso ko ay pilit kong inabot yung tinapay na nakalagay sa plato na meron ng palaman na hotdog.
Nagulat naman ako dahil tumayo si Jimin at lumapit sa table kung sa'n nakalagay ang plato ng tinapay. Kinuha niya 'yon at inabot sa akin. "Dapat kasi sinabi mo sa'kin, hindi yung pipilitin mo yung sarili mong abutin kahit hindi mo kaya." Sabi niya saka siya bumalik sa pwesto niya. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin, basta lang niya inabot sa akin yung tinapay.
Nakaramdam ako ng kilig.
Ewan ko ba, bakit ganito siya? Siya ba talaga 'to o may sumapi sakanya?
Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti.
Kinain ko na lang yung tinapay habang nanonood ako. Nagulat naman ako dahil may inabot siya sa aking baso ng orange juice. "Inumin mo." Sabi niya. Kukunin ko na sana yung baso pero nilayo niya sa akin. "Inumin mo na, alam kong hirap yung kamay mo." Wala naman akong nagawa kundi inumin ang juice na 'yon habang hawak niya ang baso.
Pagtapos no'n, eh bumalik na siya sa ginagawa niya sa phone niya. Ako naman nakangiting nanood sa TV.
Hanggang sa binasag niya ang katahimikan.
"Sinong gumawa sa'yo n'yan?" Tanong ni Jimin sa'kin. Napaisip ako.
Sasabihin ko ba? Kilala ko si Jimin. Kahit babae, alam kong papatulan niya.
Natatakot ako sa pwede niyang gawin kila Gertrude.
"H-hindi ko sila kilalaㅡ"
"Liar. Sabihin mo sa akin. Sino yung mga 'yon?" Napatingin ako sakanya. Seryoso siyang nakatingin sa'kin.
Umiling ako. "Jimin, hindi mo na kailangang malaman. Tapos naㅡ"
"Fuck! Sino nga?!" Napapikit naman ako.
Bakit kasi ang kulit ko?
Alam ko naman ng hindi niya ako titigilan.
"S-si Gertrude."
"Damn her! She'll pay for this!" Galit na sabi niya.
"Anong gagawin mo, Jimin? 'Wag mo nang ituloy yung binabalak mo. Please, 'wag na." Pero hindi niya 'ko pinakinggan.
Nakita ko naman na kinuha niya ang phone niya at tinapat niya 'yon sa tenga niya.
"Pumunta ka rito, ngayon na! Pakibilis, pwede?" Saka niya binaba ang phone.
![](https://img.wattpad.com/cover/28300061-288-k281597.jpg)
BINABASA MO ANG
A Life With Him (Jimin Fanfiction)
FanfictionA life with him is the best thing that comes to my life. But also, a life with him is the reason of why my heart is breaking into pieces. [Jimin's Fanfiction] All Rights Reserved~ @-deerqueen [completed]