Life 15

8.9K 300 49
                                    



"Madali ka talagang matuto, Tiana." Sabi ni Mark.



Vacant kasi namin ngayon. Nag-initiate si Mark na turuan ako. Hindi naman ako makatanggi kasi magaling siyang magturo.



"Thank you talaga, Mark." Sabi ko.



"Oo naman. Basta kung meron ka talagang hindi naiintindihan, lapit ka lang sa'kin." Ngumiti naman ako.



"Tiana." Narinig kong tawag nang isang malamig na boses. Parehas kaming napalingon ni Mark sa likod. Nakita namin si Jimin, seryoso ang mukha niya.



"Mukhang nagkakasiyahan na kayo diyan, ha? Akala ko ba tutor ang ginagawa niyo?" Malamig na sabi ni Jimin.



Napalunok naman ako. "Tapos na kami." Sabi ko na lang.



"Sakto naman pala ang pagdating ko. Tara na, Tiana." Hinawakan bigla ni Jimin ang kamay ko. Tumayo naman ako.



"Mark, next time na lang. Salamat nga pala. Bye!" Nag-wave naman siya sa'kin. Ngumiti na lang ako sakanya.



Habang naglalakad kami ni Jimin, hindi siya nagsasalita. Kung minsan, kapag naglalakad kami dadaldalin niya pa ako.



"Jimin!" Tawag ko pero hindi siya lumilingon. Galit ata siya.



Maya-maya, tumigil kami sa paglalakad. Umupo siya sa isang sahig, nagindian seat pa siya. Nasa dulo kasi kami nang hallway papuntang garden.



"Nagseselos ako." Diretsang sabi ni Jimin. Napakunot naman noo ko. "Fuck, Tiana! Nagseselos ako. Wala ka man lang bang sasabihin?!" Galit na galit na sabi niya.



Napaupo naman ako, "Nagseselos ka? Ano namang ikakaselos mo?"



"Tss! Napaka-slow mo talagang babae ka. Honor ka ba talaga?"



"Ewan ko sa'yo, Jimin. Ayusin mo kasi."



"Nagseselos ako sainyo ni Mark." Nanlaki naman ang mata ko. "Tapos, alam mo ba? Naiinis ako kay Mark. Hindi mo ba napapansin? Parang....shit!"



"Jimin, stop cussing." Nainis na sabi ko.

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon