Life 14

9.2K 295 121
                                    



Naninibago talaga ako kay Tricia. Dati-rati naman, kapag alam niyang late na ako sa school. Text niya agad ako. Pero ngayon, wala.


8am na kaya. 8:30 ang first class, eh. Eh itong asawa ko, wala atang balak na gumising.


"Jimin, gumising ka na!" Kanina ko pa siya inaalog, pero wala pa rin. Hindi pa rin siya nagigising. "Jimin, punyeta! Gumising ka nga! Meron tayong pasok!" Galit na galit na sabi ko.


"5 minutes!" Sabi niya saka nagtalukbong ng kumot.


"Naka-sampung 5 minutes ka na! Bumangon ka na diyan!" Pero ang loko, ang kulit talaga.


"Jimin, gumising kaㅡ" Nagulat ako sa ginawa niya. Hinila niya ako, kaya nakapaibabaw na ako sakanya ngayon. At ikinabigla ko ang sunod na ginawa niya.


Hinalikan niya ako sa labi. Smack lang naman. Pagtapos no'n, nangiti siya sa'kin. "Sa susunod, hulaan mo kung ano makakapag-pabangon sa'kin!" Bumangon na siya sa kama at dire-diretso siya sa bathroom.


Ano daw? Tama ba talaga ang pagkarinig ko sa sinabi niya? Ang aga magpakilig ni Jimin.



—-



First class. Science. Nagbibigay nang problem si Ms Victoria. Mabuti na lang at natuto na ako nito. Nagpaturo talaga ako kay Mark. Hindi naman nagalit si Jimin. Sabi niya basta, turo lang. Walang harutan.


Hindi ko nga alam, kung nagseselos ba siya o talagang pinapamukha niya sa'kin na malandi akong tao? Pero siguro hindi. Ang bait na kasi sa'kin ni Jimin ngayon eh.


"For the first problem, Ms Fernandez-Park and for the second, Ms Bautista." Agad naman akong napunta sa whiteboard saka nagsagot.


Lumingon naman ako kay Tricia, parang hindi niya alam ang sagot, "Tricia, okay ka lang?" Tanong ko.


"Hindi ko alam 'to, Tiana."


Nabigla naman ako sa sinabi niya, "Ano? Ikaw ang nagturo sa'kin niya, Tricia. Pa'nong hindi mo maaalam?"


"Hindi ko alam." Ginawa ko na lang, tinulungan ko na lang siya. Mabuti na lang at umalis saglit si Ms Victoria.


Nagbalik na kami sa armchair. Anong nangyayari kay Tricia? Simpleng problem lang naman 'yon, nakalimutan niya? Siya pa nga mismo nagturo sa'kin no'n eh.


"Tiana, ayos ka lang ba?" Tanong ni Jimin sa'kin.


"Oo naman....pero naninibago talaga ako kay Tricia." Sabi ko. "Ayang problem na 'yan, siya ang nagturo sa'kin. Pero hindi niya na-solve, tinulungan ko pa siya. Tapos yung boses niya, ang weird. Nag-iba bigla. Tapos 'pag tinatanong ko siya kung bakit siya hindi nagpakita, iniiba lagi ang topic. Ewan ko kung anong nangyari sa babaeng 'to."

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon