Taehyung's Special Chapter

5.8K 251 42
                                    



TRICIA KATHERINE'S POV



Nandito ako ngayon sa bahay nila Taehyung. Hinihintay ko lang ang pagbaba niya mula sa kwarto niya.


"Tricia, hija. Pasensiya ka na kung nahihirapan ka." Sabi ni Tita Jay. Mommy ni Taehyung.


"Okay lang naman po, Tita. Hindi naman po ako nahihirapan. Gusto ko lang po talaga na maalala niya kung pa'no niya ako nagustuhan." Hinawakan niya naman ang pisngi ko.


"Mommy!" Narinig kong tawag ni Taehyung.


"Bakit, baby boy?"


"Wala lang po. Aalis na ako. Hehe!" Natawa naman ako. Makulit pa rin talaga siya. Namimiss ko tuloy siya ng sobra.


Nang makalabas kami ng bahay. Dumiretso na agad kami sa kotse namin.

"Sa'n ba talaga tayo pupunta?"


"Basta. Malalaman mo rin mamaya. Chill ka lang."


Nang makarating kami sa isang mall. Nakita kong nando'n na sila Namjoon-hyung. Sinasabi nila na ready na sila.


Tumingin ako kay Taehyung. "Gusto mong malaman kung bakit nandito tayo, 'diba? Simple lang ang sagot. Gusto kong maalala mo ako, Taehyung." Medyo naguluhan naman siya don pero hindi ko na pinansin.


Hinawakan ko ang kamay niya at nagpunta kami sa department store. Nagtungo kami sa tribal na pwesto.


"Dito. Dito ang una nating pagkikita. Bumibili ako ng shirt para sa Daddy ko. Then suddenly, dumating ka. Inagaw mo yung shirt na dapat bibilhin ko.


Nagsigawan tayo no'n. Pero in the end, sa'kin lang din napunta ang shirt na 'yon. Naalala ko pa nga yung sinabi mo eh.." Lumingon ako sakanya. "Sige na nga. Pasalamat ka, maganda ka."


Hinawakan ko na ulit ang kamay niya. "Alam mo ba na hindi ako makatulog nong sinabi mo 'yon? Feeling ko hihimatayin na lang ako bigla."

Hinila ko naman siya sa isang railings.


"Nong kalagitnaan ng pagsa-shopping ko, bigla ka na lang tumabi dito..sa'kin. Nag-kwentuhan tayo. At naging...magkaiban." Hindi ko alam kung meron siyang naaalala pero parang gusto ko pa talagang ilahad lahat ng nangyari sa'min. "Alam mo, Taehyung. Ayon na siguro ang pinakamasayang araw ko. Dahil nakilala kita..."


Nagulat na lang ako nang umiyak ako bigla. "Tapos hindi ko na rin namalayan na kaibigan mo pala ang asawa ni Tiana. Si Jimin. Hindi natin alam kung coincidence ba. Pero parang destiny lang. Pinagtagpo tayo. Kaya simulan no'n, lumapit ang loob natin sa isa't isa. Pareho tayo nagkagusto sa isa't isa, Taehyung. Gustong-gusto kong maalala mo 'yon."


Nakatingin lang siya at parang merong lungkot sa mga mata niya. Ako naman umiwas ng tingin at hinila ulit siya.

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon