Minulat ko ang mata ko. Para akong nasa hospital. Inikot ko ang paningin koㅡlaking gulat ko nang makita ko si Jimin na naka-upo sa tabi ko.Tumingin siya sa'kin. "Tin? Salamat naman at nagising ka na." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo.
Hindi ako umimik. Hindi ko alam pero galit pa rin ako sakanya. Naalala ko pa rin ang ginawa nila ni Tricia...sa harap ko.
"Bakit hindi mo man lang sinabi na may hika ka pala?"
Nanlaki naman ang mata ko. "Pa'no mo...."
"Tss! Bakit ka ba naglilihim sa'kin? Sa tingin mo, wala akong pakialam sa'yo, gano'n? Tin naman, syempre naman meron. Meron kang sakit na hika...tapos malala na pala. Pero nilihim mo pa rin sa'kin imbis na sinasamahan kita sa doctor mo regulary, hindi ko nagagawa dahil hindi mo naman sinasabi yung tungkol diyan sa sakit mo." Hindi ako nagsalita. Pinakinggan ko na lang ang sinasabi niya. "Hindi mo ba alam na pwede kang mamatay sa ginagawa mo? Nalaman ko din na hindi na ka pumupunta sa doctor mo. Tapos yung inhaler mo, naubos na pala. Sige nga, pa'no kung hindi ako dumating do'n, edi wala ka ng buhay ngayon." Nagulat naman ako nang bigla siyang suminghot. Nakita kong umiiyak siya. Teka...umiiyak siya?
"Hindi mo ba alam kung ga'no ako nag-alala sa'yo? Tama na yung nawala sa'kin si Jannina. Please, 'wag ka ng dumagdag pa. Ayoko na. Sobrang nahihirapan na ako kapag merong mahalagang tao na nawawala sa'kin. Pakiramdam ko tuloy ang sama sama kong tao para bawiin lahat ng taong mahal ko sa'kin." Naiyak naman ako nang tuluyan. Imbis na galit pa ako sakanya, napapawi bigla. Sobrang mahal ko nga talaga siya.
"Jimin, sorry...." Tanging nasabi ko na lang.
Naramdaman ko na niyakap niya ako. "Tin, 'wag mo na ulitin. Nagmamakaawa ako sa'yo. Sasamahan kita lagi sa doctor. Tsaka please naman, 'wag mong papagudin ang sarili mo. Please?" Sinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko. Hinawakan ko naman ang ulo niya at napapikit na lang ako.
Ang sarap sa pakiramdam na meron talagang nag-aalala sa'yo. Lalo na't taong mahal mo pa. Akala ko uuwi ako sa Manila na hindi pa rin kami nagkaka-ayos.
"Jimin..."
"Bakit?"
"Yung tungkol sa videoㅡ"
"'Wag muna natin pag-usapan. Ayoko muna." Tumango na lang ako. Hindi pa rin ba siya naniniwala sa'kin? Naniniwala pa rin kaya siya sa lecheng video na 'yon?
Maya-maya biglang dumating ang ibang BTS. Meron silang dala-dalang mga pagkain.
"Tiana? Gising ka na. Okay ka na ba?" Tanong ni Jin pagka-pasok niya.
"Oo. Okay na ako, Jin. Salamat." Sabi ko na lang at ngumiti.
"Ito na nga pala, Tin. Inhaler mo. Isabit mo na lang lagi sa leeg mo." Sabi ni Namjoon saka isinuot sa leeg ko.
"Thank you, oppa." Sabi ko. Tinap niya naman ang ulo ko.
"Kain na tayo. Chicken ang ulam natin. Mabuti na lang at meron malapit na KFC dito." Masiglang sabi ni Taehyung. Natawa naman ako sakanya.
"Takaw mo talagang alien ka." Sabi ni Suga.
"Che! Gilagid."
"Oh, ayan nanaman kayo. Tara na nga at kumain na tayo." Sabi ni Namjoon.
![](https://img.wattpad.com/cover/28300061-288-k281597.jpg)
BINABASA MO ANG
A Life With Him (Jimin Fanfiction)
FanfictionA life with him is the best thing that comes to my life. But also, a life with him is the reason of why my heart is breaking into pieces. [Jimin's Fanfiction] All Rights Reserved~ @-deerqueen [completed]