Life 43

5.5K 224 49
                                    



TIANA RYLEIGH'S POV



Lumipas ulit ang isang linggo. Bumalik na ang alaala ni Taehyung. Meron palang patutunguhan ang plano ni Tricia. Mabuti naman kung gano'n. Masaya na ulit sila.


Pero ako? Wala. Wala si Jimin. Wala yung asawa ko. Hindi ko alam kung sa'n siya nagpunta. Walang text. Walang calls. Wala na akong balita sakanya.

Maski sila Namjoon, wala na silang contact.


Asa'n ka na ba Jimin? Miss na miss na kita. Bumalik ka na kung nasa'n ka man.

Wala naman akong naalala na ginawa sa'yo para iwan mo 'ko nang ganito. Feeling ko mababaliw na 'ko sa tuwing dadating ang umaga na hindi ko siya nakikita. Araw-araw na lang ako umiiyak.


"Hey, princess." Narinig kong bati ni Kuya Tyrone.


"Hi Kuya." Bati ko naman.


"Bakit ka malungkot? Anything wrong?"


"Wala naman po."


Nandito ako sa bahay. Wala akong gana na gumala ngayon. Kaming dalawa lang ni Kuya sa bahay ngayon dahil si Mama may business meeting nanaman sa California. Si Kuya naman 1 week na hindi pumapasok nagpaalam naman siya. Wala daw kasi akong kasama dito sa bahay.



Ring ring



"Wait lang, bunso. May tumatawag." Tumango naman ako at binaling na atensyon sa panonood.


Naalala ko nanaman na ito lagi ang pinapanood namin ni Jimin. Spongebob squarepants. Siya daw si Spongebob ako naman si Sandy. Malakas lang talaga ang trip ni Jimin kaya niya naisip 'yon.


"Bunso, kailangan kong pumasok. Tss! May emergency daw sa hospital."


"Okay lang ako dito, Kuya."


"Yaan mo, papapuntahin ko na lang si Sandara dito." Tumango naman ako tapos hinalikan niya ako sa noo.


Narinig ko na ang pagusad ng kotse kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi manood na lang.


Lumipas ang ilang minuto nakarating na din si Ate Sandara.


"Okay ka lang?" Tanong niya.


"Hindi po."


"Hindi pa rin ba siya nagpapakita sa'yo?"


"Hindi po eh. Wala na po ata siyang balak na bumalik. Hindi ko po alam kung asa'n siya. Hindi niya naman ako tinatawagan. O kahit tinitext man lang."

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon