Epilogue

8K 292 96
                                    


Lumipas na ang apat na taon.



Successful graduate na kami. Naging cumlaude ako sa red bullet university. Lahat kami nakatapos na. Lahat kami merong ng sariling buhay.


Si Namjoon-oppa. Isa nang manager sa isang entertainment sa Korea. Kung dati idol lang siya, ngayon manager na.


Nawala na kasi ang grupo ng BTS. Nag-sign sila ng contract.


Si Jin. Meron nang sariling bake shop. Meron na ding girlfriend pero until now, hindi pa rin sinasabi sa'min. At hindi ko alam kung bakit puro pink ang gamit niya do'n. 'Di ko alam kung paborito ba ng girlfriend ang color pink oh siya talaga ang may favorite non.


Si J-hope naman. Ayon. Until now, hinahabol-habol pa rin ni Eon. Ewan ko ba do'n, ayaw kay Eon eh napakabait na bata non. Hanggang ngayon talaga hindi pa rin siya pinapansin ni J-hope. Kung si Namjoon-oppa, manager. Siya naman meron na siyang sariling company. Isa rin siyang entertainment sa Korea. Puro models naman ang nando'n, hindi mga idols. Kahit sobrang galing pa sumayaw ni J-hope, 'di niya muna ginamit dahil gusto niya daw muna mamahinga. Gusto niya chill chill lang. Hindi naman siya masyadong nape-pressure sa trabaho niya ngayon. Dahil pa-relax relax lang siya.


Si Suga naman. Stay strong sila ni Simone. Never na nga naghiwalay 'yang dalawang 'yan eh. Si Suga meron nang sariling studio 'yan. Pa'no, talagang career ang pagiging swag and rapper niya. Meron na rin 'yang pinapa-audition para gumawa ng sariling grupo. Siya na daw ang magiging manager nila 'pag nagkataon. At si Simone naman, meron nang flower shop. Tinutulungan din siya ni Suga na mag-manage ng shop niya.


Si Jungkook naman. Ang dakilang maknae ng grupo nila. Meron na silang restaurant ni Thea. Silang dalawa ang nagpatayo no'n. Simula pa lang no'ng naging sila ulit, ayon na ang pinangarap nila. Kaya parehas na nilang inabot 'yon.


Si Taehyung naman. Alien pa rin. De joke. At dahil matakaw 'yan. Nagkaroon na rin siya ng sariling restaurant at coffee shop. Sa coffee shop, si Tricia ang nagma-manage do'n. Habang meron ding sariling shop merchandise si Tricia ng KPOP. Dakilang fangirl kasi 'to katulad ko. Parehas din sila ni Taehyung na nagtutulungan sa sarili nilang business.


Si Jimin naman. Asawa ko pa rin. 4 years na kaming nagsasama. At never na kaming naghiwalay. Sabi ko naman sainyo, kami ang magpapatunay na may forever.


Pina-renovate na namin ang bahay namin. Pinalaki 'to ni Jimin para daw sa magiging anak namin. Okay naman talaga ang dati, pero eto nga. Hindi siya nakuntento. Gusto niya daw maraming anak. Napaka ano niya, 'diba? Kung 'di ko lang mahal 'yon eh.


Isa pa rin siyang model. Tinigil na din daw muna niya ang pagsasayaw. At alam niyo ba kung sa'n siya model? Sa'kin syempre. Meron na kasi akong sariling studio. Photographer na kasi ako. At ito ang pangarap ko simula pa lang talaga. Nakatapos kasi ako ng information technology. Major ko kasi talaga 'to simula pa lang.


"Tin, magpahinga ka na muna. Kanina pa diyan oh." Narinig kong sabi ni Jimin na kakarating lang. Meron pa kasi siyang isang trabaho. Siya na ang nagma-manage ng company nila.

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon