Chapter 3

1.3K 29 2
                                    

"O DL san ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Quinn sa akin. Mabilis ang paghinga kong nilapitan siya bunsod ng pagkairita sa anak ng driver nila.

Kung hindi lang siya gwapo at kaibigan ni Quinn ay baka nasabunutan ko na talaga siya. Nakakainis ang kahambugan ng lalaking iyon. Hindi ko naman siya pinahintulutang kausapin at insultuhin ako ah?

"Wala!" Napasinghal ako at matalim na tumitig sa kawalan.

"Deanne Lee galit ka ba?" Nag aalalang tinig ni Quinn sa akin. Kapag tinatawag na niya ako sa buong pangalan ko ay alam kong nagaalala na siya o di kaya naman ay nagagalit.

"Hindi!" Napakamot ako sa ulo ko at iritableng hinila ang kamay niya "tara na nga!" Aya ko saka binalingan sila Leandra sa likod niya "sasama ba kayo?"

Napataas ang kilay ni Maria "san mo naman kami dadalhin?"

Hindi ko na siya sinagot at hinila na lamang si Quinn paalis ng lugar na iyon. Halos lakad takbo na ang ginagawa namin dahil sa inis ko ay nakalimutan kong lampa pala ang kasama ko.

"Aray!" Sigaw niya bigla ng masabit ang paa niya sa sanga ng punong nakakalat sa dadaanan namin. Dinaluhan ko siya at inalalayan patayo.

"Kasi nag iingat ka dapat sa linalakaran mo!" Pasinghal kong sambit na siya namang ikinalaki ng mga mata niya.

"Eh ikaw itong nangangaladkad!" She snorted.

Huminto ako at ineksamin ang binti niya. Walang galos kundi ang namumulang pahabang marka sa may gilid ng sakong niya.

"Wala naman palang sugat! Tara na! Dalian natin!" Hinila ko ulit ang kamay niya ngunit nanatili lamang siyang nakatayo at hindi gumalaw. Bumaling ako sakanya "ano tara?"

Kunot kunot ang noo niya sa akin. May pagtataka sa kanyang mga mata "DL why are you so pissed? Did I make you angry because I invited them to play with us?" Inosenteng tanong niya na ang tinutukoy ay ang magkapatid na tuko. Napabuntong hininga ako at pilit na kumalma. Hindi ko dapat idinadamay si Quinn sa inis ko. Bwisit kasing anak ng driver na yun!

"I'm sorry. Hindi iyon 'yung dahilan" napakamot pa ako sa ulo ko at nayayamot na ginulogulo ang aking bangs "yamo na nga! Ano na nga ulit iyong plano mo?" Bulong ko sakanya ng hindi naririnig ng dalawang kasama namin.

Napatingin si Quinn sa likuran namin saka bumulong pabalik sa tainga ko "basta. Akong bahala. Sabay ka nalang sa agos" bumalik ang malademonyita niyang ngisi saka ako hinila palabas ng gate sa likod ng bahay nila.

"Teka! Quinn! Sandali nga!" Awat ko sakanya ngunit di siya natinag at hinila lang ako. Papalabas na kasi kami ng mansion nila at alam ko na kung saan ako kakaladkarin ng pasaway kong kaibigan.

"Hoy kayong dalawa! San ba tayo pupunta? Labas na ito ng mansion niyo ah?" Maarteng tanong ni Leandra.

Umirap lang ako saka siya binalingan " wag ka ngang makulit Leandra! Tanong ka ng tanong paulit ulit naman!" Hindi ko talaga mapigilan ang pagtaasan siya ng boses. Kanina pa kasi siya dada ng dada sa likuran namin at paulit ulit lamang ang sinasabi. Sa iritasyon ko sa paligid ay di ko mapigilan na pati siya ay madamay.

Inirapan niya ako pabalik at humalukipkip "eh sa di niyo sinasagot mga tanong ko eh! Isusumbong ko na talaga kayo sa kila mommy!"

"Edi magsumbong ka!"

"Hep! Tama na! Okay? Maglalaro tayo pero hindi sa bahay" sabat ni Quinn na ngayon ay kumikinang ang mga mata--iyong kinang na may masamang binabalak.

"Fine!" Nagpapadyak pa ako. Alam kong hindi dadalhin ni Quinn sila leandra sa secret haven namin. Alam kong may iba pa siyang gustong gawin at natitiyak kong hindi ito maganda. Napangiwi ako sa naisip. Siguro ay hindi naman ganon kasama.

Reckless heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon