Isang pares ng mapanuring mga mata ang sumalubong sa amin ni Quinn ng marating namin ang bahay ni Mang Ambo, batid kong kanina pa siya nag- aabang, at hindi na surpresa ang pagkakita niya sa akin. Pinaabiso ito ni Quinn, alam ko-- ang hindi ko lang maintindihan ay ang kakaibang talim ng titig niya sa akin. Parang may galit siyang hindi ko mawari kung saan nag-uugat. Ganon naman na kasi siya dati pa, malamig at walang ekspresyon lalo na kung patungkol sa akin. Parang palaging nagkakaroon ng buwanang dalaw. Masyado siyang seryoso sa buhay.
Tumatawa naman siya noong mga bata kami kahit papaano, ngunit lumala siya ngayon, dahil ni isang ngiti ay wala akong napala. Pulos pagsusungit at lamig ang ibinabato niya. Sayang kung naging warm lang ang pakikitungo niya sa akin ay baka naging magkaibigan pa sana kami.
"Lika" aya sa akin ni Quinn habang taban-taban ang isa kong daliri. Hinila niya ako kaya napalakad-takbo na rin ako sa bilis at laki ng mga hakbang niya.
Hindi naputol ang pakikipagtitigan ko kay Gerald nang napahinto kami sa kalagitnaan dahil siya na mismo ang humakbang upang salubungin kami. His steady piercing stare is too much already. Hindi ako makaiwas ng tingin kahit na ilang beses ko ng pinaalalahanan ang sarili kong masama ang maglaro sa apoy. Lalo na kung malakas ang pag-aalab nito at matindi ang pinsalang maidudulot oras na lapitan mo ito at sunggaban. Nakakapanghina at nakakapaso. Nakakadarang at nakakatunaw.
Parang bumagal pa ang lahat sa paligid. Ang paglalakad niya at pati ang magulong buhok niyang umiindayog sa hangin.
Habang papalapit ang pigura niya ay hindi ko maiwasan ang unti-unting pagbaba ng titig sa hubad niyang katawan. Naaninag ko ang ilang pagbabago sa kabuuan niya. Mas lalo yata siyang naging makisig ngayon kumpara noong huli kaming nagkita.
Too damn hot and sexy. Kung may pagkakataong madiskubre siya ng isang model agency ay siguradong pagpipyestahan siya ng mga kababaihan. Maraming kalahi ni Adan ang maiinggit.
He was wearing his faded tattered jeans with his buttons popped. Halos ilitaw nito ang kulay itim niyang brief na nagpahinto pa sa akin sa paghinga. His V-line and perfectly chiseled abdominal muscles are screaming glory and hotness! Idagdag pa ang butil butil na pawis na tumutulo mula sa kanyang baba patungo sa kanyang malapad at matigas na dibdib. And damn! How could his triceps and biceps be that perfect? Parang ngayon lang ako namangha sa pagkakahubog nito, samantalang nasanay ako sa malalaking braso at maskuladong pangangatawan ng mga body guards ko. His body by the way is not that buff. Katamtaman lang pero ang lakas makahatak! Lalo na kapag nakikita kong gumagalaw galaw ang bawat himaymay nito sa kaunting paggalaw niya lamang. Tinalo pa yata nito ang kakisigan ni Machete?
I suddenly want to have them nipped and licked. Shit! Am I fantacizing over Quinn's driver?
Shit! Fuck, no!
Parang tinatambol ang dibdib ko sa hindi mapangalanang emosyong bumabalot sa aking dibdib. Kaba? Takot? Kinikilabutan ako. Pero Wala naman siyang ibang ginagawa para magimbal at mahintakutan ako. I just...don't know why am I acting strange.
Or maybe,
I'm afraid I might succumb to my curiosity and give in to that sinful body. Ngayon lang ako nagkaganito dahil sa isang lalaki. At talagang sa impakto pa?
Narinig ko pang suminghap si Quinn. Pati yata siya ay naramdaman ang sandaling tumimo sa aking kaloob looban at ang pagkawala sa inhibisyong hindi ko aakalaing mangyayari sa akin.
"Ma'am Quinn! Naparito ho kayo?"
Mababa at swabe niyang tinig nang sa wakas ay makalapit siya sa amin. Ilang pulagada nalang at magkakdikit na ang mga balat namin. Ang lapit naman yata? At bakit sa tapat ko pa? Matutunaw ako sayo lalo niyan!

BINABASA MO ANG
Reckless heart
RandomDL grew up loving Gerald all her life. At ganon din ang binata sakanya. Sabay silang lumaki at sabay ding bumuo ng pangarap. They had created enchanting memories, a beautiful love story that everyone could retell to their subsequent generations. She...