Chapter 1

3.3K 47 1
                                    

"Deanne Lee!" Sigaw ng kaibigan kong si Quinn habang naglalaro kami ng buhangin sa likod ng bahay ni Mang Ambo.

"Ssssh! Wag kang maingay. Baka may makarinig sa atin, mahuhuli tayo ng Daddy mo!" Paninita ko sakanya habang dahan dahan kong isinasalin ang tumpok ng buhangin sa isang maliit na lalagyan.

"Ehh.. DL may sasabihin nga kasi ako sayo" napakamot siya sa ulo niyang puno ng maliliit na butterfly colored hairpins habang inilalapit ang bibig sa tainga ko. "Iyong anak ng driver namin.."

Natahimik ako dahil bigla siyang tumigil at iginala muna ang mga mata sa paligid. She looks stupid because of her hair and weird detective glances. Si Quinn talaga..

"Anong meron sa anak ng driver ninyo?" Ipinagpatuloy ko ang nilalaro ko at ngayon naman ay inaabot ko ang isang tabo ng tubig para isalin sa tupperware na may buhangin at maliliit na bato.

"Nakita niya yata akong tumatakas. Baka isinumbong ako!" Nanlalaki ang mga mata niyang bulong sa akin.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Kapag may nakakita sa amin na tumatakas mula sa mansion nila Quinn at nagpupunta sa isang kapitbahay ay malilintikan kami. My dad's going to be mad at me and I dont like that to happen. Isa pa naman sa pinakaayaw ko ay iyong ginagatungan pa ng mga ate kong hilaw ang galit ni Daddy sa akin.

"Hala! Paano yan? my dad's gonna puke bad words again if he learns we're stalking out of your house, Quinn!" Pabulong na histerya ko.

Bumuntong hininga si Quinn at luminga pa ulit. "Let us just go back to my playground DL! Bago pa tayo isumbong ni Gerald!"

Tumango ako at unti unting iniligpit ang mga pambungkal ko ng buhangin at kung anu ano pang abubot. Ang bahay kasi ni Mang Ambo ay abandonado na rin simula nang siya ay pumanaw. Nadiskubre namin ang lugar na ito nang minsang tinakasan namin ang yaya ni Quinn dahil ayaw niyang maligo. Ito ang nagmistulang paraiso namin ng kaibigan kong si Quinn. Dito kasi ay malaya kaming nakakapaglaro ng kung anu ano. We can be dirty, we can play mud, we can be silly, we can kill earthworms and other insects. We can do just anything we want to do.

Unlike in my own house. Toys there are too dull and idle. My Xbox has been thrown out because I don't play it too often (Pinamigay ni dad sa pinsan nila Maria). Barbie is boring. Lala loopsie's disgusting. Ipad's just an impassive gadget, it will teach you how to become lazy. Those things are not really enjoyable. Mas masaya ako sa mga totoong laro--- iyong mga classic at traditional. I want to be a real kid. Iyong nagagalusan at napuputikan.

Gusto kong maranasan ang mga larong pambata na nakikita ko sa iba. I want to experience things that are not allowed inside our house. Iyong tipong pagpapawisan ka at masusugatan sa pakikipaglaro. I want something adventurous and extreme. I want to explore. I want to have playmates too---iyong hindi maarte tulad ni Carlo at Bea na mga anak ng kapatid ni Mommy Andra--my stepmom. Quinn's enough for me. She's mabait and simple. Mayaman din siya pero hindi siya mapagmataas. She likes what I like too. May kinaibigan kami na taga rito din sa amin kaso ay sa kabilang street pa pagkalabas ng village siya manggagaling. Sabi niya ay sa may riles ng tren ang bahay nila. Hindi nga lang ako sigurado kung sang parte. Pero baka hindi na niya kami abutan dahil kakaripas na kami pabalik sa mansion nila Quinn.

Kailangan naming maunahan ang pagsusumbong ng lintek na Gerald na iyon!

Masyado kasing pakealamera ang step mom at sisters ko---baka pag nalaman nila ito ay magsanib pwersa nanaman sila. And also with my dad--- he's overprotective when it comes to me. Sakitin daw kasi ako noong baby pa ako kaya saan man ako magpunta ay may nagbabantay sa akin. And when I'm inside De vera's mansion--- hindi sila nag aalala because tito Giovanno's overpotective of Quinn too. Kaya hindi iisipin ni Dad na gumagawa ako ng kabalbalan.

Reckless heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon