Naghintay pa ako ng ilang minuto sa pagbabalik ni Gerald. I was expecting that he'd bring Quinn with him dahil alam kong iyon naman ang dahilan kung bakit siya umalis. Inip na inip na nga ako dahil natatagalan pa ata siya sa paghagilap sa mga kalaro ko. I wonder where did Quinn went? Kasama niya ba sila Maria? Did she pull her evil stunt to my stepsisters?
I crouched on my heels and sighed in procrastination. Nagugutom na ako! Ang tagal tagal tagal!
Kung may ginawa man si Quinn o kung naisagawa niya ang pinaplano niyang sigurado akong hindi maganda sa mga kapatid ko ay nawawalan na ako ng pake. Basta gusto ko ng bumalik sa mansion nila at kumain ng food! Bakit kasi pumayag pa ako sa kalokohang ito?
Kumunot ang noo ko sa inis at padabog na tumayo. Tinadyakan ko ang bato sa paanan ko at napahalukipkip. Duh? What took them so long?
Or are they already playing? Kasama si Gerald? tapos kinalimutan na ako dito?
Napasimangot ako at nagsimulang humakbang. I won't just stand there and wait for nothing!
Hinanap ko sila hanggang sa inabot ako ng siyam siyam. I wandered through the vast village until I heard someone calling for my name. God! I am so so so exhausted! Naghahallucinate na nga ako ng gellato at iba't ibang makukulay na pagkain sa utak ko sa sobrang pagod at gutom.
"DL!" The voice was becoming nearer as I heard footsteps toward me. I turned around just to witness a growling human tiger. Matalim siyang nakatitig sa akin habang papalapit ng papalapit I could see his prominent jaws clenching!
Napatalon pa ako ng hinablot niya ang magkabilang braso ko at diretso akong sinaksak ng mga titig. Naumid ang dila ko sa panginginig at takot. Bakit bigla naman yata akong naduwag sakanya?
"Diba sabi ko dun ka lang? Sabi ko hintayin mo ako? Hindi ka ba nakakaintindi ng simpleng direksiyon?" He muttered through his clenched teeth.
Nangatog ang mga tuhod ko. Bakit ba siya galit na galit sa akin? Di ba dapat ako itong magalit dahil pinaghintay niya ako! Tapos ilang oras akong tiwangwang at hindi siya dumating? Ano ang gagawin ko?
"H-hinanap k-ko kayo k-kasi na-nagugutom na ako!" I stuttered. Hindi nakabawas sa galit na mga mata niya ang pangingimi ko bagkus ay mas lalo pa itong nanliit.
"Sana nagtiyaga ka na muna ng ilang minuto! Anong gusto mong mangyari mangunsumi ako sa inyong magkakaibigan? Bumalik ako pero wala ka na!" Sigaw niya sa mukha ko.
Nangunot ang noo ko, kahit takot ay nakuha ko pang mabwisit. Aba teka lang ano? Nagagalit siya kasi na disappoint ko siya na wala na ako dun? Ang swerte naman yata kung tatanghod ako dun para lang sa paghihintay sakanya? Sino ba siya sa akala niya?
"Bakit naman kita hihintayin?"
Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko sanhi upang mapaigtad ako sa sakit. Magkakapasa pa yata ako!
"Dahil sinabi ko. Pano nalang kung may dumukot sayo bigla dito? Anak mayaman ka pa naman!" Binitawan niya ang braso ko habang mabilis ang naging paghinga niya.
"Ano naman kung anak mayaman ako?" I snorted. What's the big deal there?
Napapikit siya habang kurot kurot ang balingusan ng matangos niyang ilong "aaaaahhh! Masisiraan na ako ng bait sa inyong magkaibigan!"
Hindi ko siya maintindihan.
Iminulat niya ang kanyang mga mata at tiningnan ako ng may pang uusig. "Hindi mo talaga alam? Mapanganib sa labas DL! Palibhasa ay binulag ka ng magagandang imahinasyon mo sa loob ng palasyo ninyo! Akala mo parang fairytale ang buhay ano? Walang magnanakaw, kidnapper at holdapper? Walang kahirapan at kaguluhan? Hindi mo alam kasi puro pagpapasarap lang ang napapala mo"
Teka? Ano bang ipinuputok ng butsi ng isang to? Kung makapagsalita akala mo ignorante ako? Hindi porket bata lang ako eh napaka inosente ko na? Of course I know what he is talking about. I'm aware of current events because of our subject---Aralin Panlipunan.
"Ano ba'ng point mo?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Mamaya ko na kakastiguhin. Sabi kasi ni Daddy, bago daw tayo magalit o mag burst ng anumang emosyon--- timbangin muna natin ang sitwasyon. Wag magpapadala sa init ng ulo. Learn about your opponent's side. Give them the benefit of the doubt. Kahit na gigil na gigil ka ng saktan siya, we should not be overpowered by our impulsive decisions---o mas kilala sa tawag na bugso ng damdamin. Kasi baka sa bandang huli tayo rin ang masaktan at magsisi. Di ba? Tama naman?
Kalma tayo diyan.
"Ang punto ko dito eh pano kung may nangyaring masama sayo? Tapos wala ako para sagipin ka? Nawala ka ng tatlong oras, DL! Nag alala kami sayo!" He yelled.
Natigilan ako. Nag alala siya sa akin?
Lumundag ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag pero may iba akong nararamdaman. This strange feeling's giving me shivers all over my body. Why do I like him caring for me?
"You care for me?" I asked, not blinking my eyes.
Nag iwas siya ng tingin. I also saw his face turning red.
"Nakokonsiyensiya ako kasi ako ang huling kasama mo! Tara na! At kanina ka pa hinihintay ng mga kapatid mo! Lagot ka mamaya sa tatay mo!" He answered without glancing back at me.
Ngumuso lang ako sa pagkabigo. Kala ko naman..
Nauna siyang maglakad habang ako ay wala ng nagawa at sinundan nalamang siya.
"Ano palang nangyari kila Quinn?" Tanong ko ng malapit na kami sa mansiyon ng mga De Vera.
Hindi siya lumingon pero sinagot naman niya ako sa mababang tinig
"Ayun, hinabol ng mga aso iyong dalawang kapatid mo, planado ba ang lahat? Kasi napansin kong nakangisi lang si Ma'am Quinn habang pinapanuod silang kumakaripas ng takbo. Sinagip ko na. Nakakaawa naman sila"
Napangiwi ako sa nalaman ko. Yun pala ang kahulugan ng pagpunta namin doon? Talagang plinano iyon ni Quinn?
Hindi ko na siya sinagot dahil hindi ko naman alam na ganon pala ang gusto ni Quinn na mangyari. Hindi naman kasi ako inosente dito--- kumbaga ay accesory to the crime ang role ko. I cooperated. Guilty ako"Kapag talaga anak mayaman, hindi iniisip ang konsikwensiya ng mga kalokohan. Kasi alam ninyong maabswelto agad kayo. Lagi niyong inuuna ang satispaksiyon ninyo, kahit na nakakapanakit na kayo ng iba" he let out a deep sigh.
Napakunot ang noo ko. Bakit siya nanghuhusga? Wala siyang karapatan.
"Hoy! Anong akala mo sa amin masasamang tao? Hindi naman siguro iyon sinadya ni Quinn! Hindi naman kami friends nung mga aso para pakiusapan silang gawing meryenda sila Leandra at Maria!"singhal ko. Nakaka taas ng presyon eh! Kala mo kung sino!
He snorted "dito na tayo. Umuwi na nga kayo. Perwisyo!"
"I heard that! Kung perwisyo ako! Di sana hinayaan mo nalang akong mawala!"
Hinarap na niya ako, nag iigting ang mga panga "eh ayaw kitang mawala! Magagawa mo?"
Natigalgal nanaman ako sa sinabi niya. Minsan talaga di ko siya maintindihan.
"Gerald.. mabuti at nandito na kayo. Pagpasensiyahan mo na si DL ha? Makulit talaga yan at matigas ang ulo.. napagod ka ba?" Malambing at nakakairitang tinig ni Maria mula sa likod namin.
I gritted through my teeth. Ang bata bata pa ang flirt flirt na! Nakakagigil!
Linapitan niya si Gerald at pinunasan ang pawis nito sa noo.
Napangiwi nanaman ako. Si Gerald nama ay pokerface lang.
"Ayos lang ako. Wag ka ng mag alala" sabi naman ng huli. Isa ring malandi! Kala mo naman may something sakanila! Kung makapag alala naman kasi itong si Maria wagas.
Pagbuhulin ko kayo eh. Sa sobrang inis ko ay nag walk out nalang ako sa harap nila at hinanap si Quinn para magpaalam.
Kainis!
![](https://img.wattpad.com/cover/31754436-288-k978543.jpg)
BINABASA MO ANG
Reckless heart
RandomDL grew up loving Gerald all her life. At ganon din ang binata sakanya. Sabay silang lumaki at sabay ding bumuo ng pangarap. They had created enchanting memories, a beautiful love story that everyone could retell to their subsequent generations. She...