Chapter 6

878 20 1
                                    

Simangot na mukha ni Gerald ang inabutan naming pareho ni King nang makarating kami sa steakhouse ng Tagaytay highlands samantalang abala si Quinn sa pagse-selfie sa sariling upuan. Iminostra ni King ang isang kalapit na upuan sakanya upang maupo ako at agad ko naman iyong pinaunlakan. Di ko namalayan na katapat ko lang pala ang impaktong pinaglihi sa ugat ng ampalaya.

"What do you want to eat, kitty?" King asked me.

Ngumisi lamang ako sakanya at itinuro ang steak na pinalilibutan ng mga nakaka engganyang garnish.

"I want it well done. I'm afaid I might swallow tape worms" I added.

Napansin kong bumunghalit ng maingat at tahimik na tawa iyong impakto sa harapan ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata ngunit di siya natinag kaya inabot ko ang mga paa niya saka ito inapakan sa ilalim ng mesa. Halos mapa-aray siya sa ginawa ko. Syempe malakas yun. Nakakainis talaga! Mabuti nalang at hindi iyon pinansin ni King.

"Ikaw Ge, anong gusto mo?" Tanong na malumanay ni King sa impakto. Ngumisi naman ang huli.

"Syempre steak, iyong maraming bulaklak at dahun dahon sa gilid.. I want it well done. Ayoko kasi ng tape worms.. baka malunok ko eh" sa bandang huli ng sinabi niya ay ginaya niya ng pilit ang boses ko na parang nambubuska.

Umiling iling nalang si King at umorder. Iba ang inorder niya para kay Quinn. Dahil hindi daw ito mahilig sa steak. "Kuya ayoko ng steak. Pasta nalang" narinig ko pang sabi nito sa malambing na tono. I admire King for having a high tolerance of digesting Quinn's antics and brattiness. Sukat konsintihin pa ito ni King sa lahat ng gusto at kabalbalan. I bet Quinn would do the same thing for her Kuya-- they care too much about each other. I wish I can also have a kuya like King. Someone who would always hang around and protect me from anyone else. Someone that could always tolerate my tantrums. Someone who can stomach take my irrational decisions. Someone who can just stay around and look after me.

I sighed. I wish I was in Quinn's shoe. Sana may Kuya King din ako. Pero I'd rather be King's DL. I can't be his relative--- I want him to be my future boyfriend. I giggled at the thought. Napansin yata iyon ni Gerald kaya pinagtaasan niya ako ng kilay. Inirapan ko nalang siya. Kainis eh!

After eating our lunch ay napagpasiyahan na naming bumalik sa location ng bus. It was forty five minutes before two and all the students were already gathered together in the meeting place. Mukhang kami nalang ang hinihintay. Teacher Malou's woried face turned to bright beaming smile when she noticed me.

"Oh my God! DL! I kept worying about you. Saan ka ba nagpunta?"

Napalipat lipat ang tingin niya sa akin at sa mga kasama ko

"I understand that this whole excursion bores you to death. Pero sana kung may ibang lakad kayo at isinama ninyo ang isa sa mga estudyante ko---paticularly DL, magpapasabi kayo! I let his father signed into a waver at kung ano man ang mangyari sa inyong apat ay pananagutan ko" she scolds the three of them hindi ko alam kung kasama ako.

Ang tanging nakayuko lamang ay si Quinn at Gerald. Si King ay maangas lamang na nakatitig kay Teacher Malou.

"I can pay for whatever damage had done to your morale, Malou" he said in a hoarse voice. Naiinitindihan kong konti lamang ang tanda ni Teacher Malou sa kay King. She just graduated from college last year. And King was already sixteen or seventeen? It was like four or five years ang age gap nila. Pero dapat may 'ate' o 'teacher' ang pag adress ni King kay teacher diba?

Sa di malamang dahilan ay napasinghap si teacher at animo'y may mensahe sa pagitan nila ni King na tanging sila lamang ang nakakaintindi.

I got really curious.

Reckless heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon