Chapter 13

1.8K 28 6
                                    

I was astounded when he said those words. Hindi ako tanga para hindi makuha ang mga sinasabi niya. Hope rose up in my chest. Kahit hindi man direktang sinabing ako ang tinutukoy niya ay may pakiramdam akong, ako ang kanyang pinsasaringan.

Bumalik ako sa aking silya sa kanyang tapat. Ang mga mata ko'y sakanya lamang nakatuon. He wasn't even breaking the connection between us. Basta lang siyang nakatitig sa akin. I wanted to get straight to the point. I wanted him to say those words again but in a direct thought.

"Gerald..." I mumbled. Hindi ako makabuo ng pangungusap. Pakiramdam ko ay panay hangin lamang ang susunod na mamumutawi sa aking bibig.

Napansin ko ang pagtaas baba ng adams apple niya. He looked calm, but the gesture made me believe that he's nervous. His eyes were settled on mine but his stare is definitely not stable. Malikot ang naging anino sa kinang ng kanyang mga mata.

"Do you have anything to say?" That was the bravest I have ever been.

Muli ay napalunok siya. Napaawang ang kanyang labi. Nang makabawi ay nag iwas siya ng tingin. Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng mesa at muling ibinalik ang mga mata sa akin.

His deep set of eyes bore unto mine. "Hindi pa ba halata?"

"Ang ano?" I played cool, but then my knees begun to tremble.

Umirap siya sa akin at muli ay pinagmasdan ang aking mukha. He looks so good on his v-neck blue shirt. Ang kulay kayumanggi niyang balat ay hindi naman naalangan sa kanyang kasuotan. His biceps were perfectly fitted on his sleeves. Ang sarap sarap niyang pagmasdan.

"Wag na nating pag-usapan" aniya matapos manahimik ng ilang segundo.

I sighed.

How could he end this conversation without giving me justice?

"Kala ko magtatapat ka na sa akin" pabulong kong turan.

Nagtaas lamang siya ng kilay sa akin. "Tss. Hindi ako nababagay sa mundong ginagalawan mo."

And that made me blink twice. I checked my ears if it were just impaired. Kanina pa ako nakakarinig ng kung ano mula sakanya.

"Gerald.." muli kong sambit sa mahinang tinig.

Hindi na siya muling kumibo pa at tumayo na. Naglakad siya patungo sa harap ng booth at tumanaw sa kabilang banda. Sinundan ko ng tingin ang malapad niyang likod. how can I regulate a conversation with this kind of person?

"Duwag ka!" Pabulong kong turan ngunit batid kong narinig niya ito. Napalingon siya sa akin, namumungay ang mga mata. He then sighed.

" 'wag mong madaliin ang lahat ng bagay, hayaan mong humantong tayo sa puntong tama na ang lahat ayon sa mga pangyayari, Dl. Sa tamang panahon..."

Matalinhaga. Ngunit gusto ko ng maging ngayon ang tamang panahon.

"Pero hindi naman ako nagmamadali. I just want you to be honest!" Napatayo na rin ako at lumapit sakanya. I don't want to sound like I was the aggessive one here, but it seemed like it.

"Tss" his jaw clenched tighter.

Nagtitigan lamang kami. Pero bago pa man ulit ako makapgbitiw ng salita ay nagbawi na siya ng tingin.

"Hep! Did I miss something?" Naulinigan namin si Quinn na papalapit na sa amin.

Napairap ako. Istorbo!

"Wala!" Tumalikod ako at muling umupo. I crossed my arms on my chest and heaved a sigh.

"Oooops! Nakaistorbo ako?" Natatawang turan ni Quinn. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa amin ni Gerald. Umiling ang huli at muli nang tumanaw sa karatig booth.

Reckless heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon