Chapter 9

970 22 0
                                        

That day went on without us--Gerald and I-- talking. Ang awkward nga, kasi kahit nung naglunch kami ay hindi kami parehong nagkikibuan. Kapag lang may inaabot akong ulam tapos siya ang biglang kukuha no'n para sa akin saka lang niya ako papansinin! Nakakafrustrate!

God! He's changed. A lot. Dati naman kahit ayaw niya sa akin, kinakausap niya ako miski papaano--- kahit na paangil. Pero ngayon? As in wala. He's ignoring me like I really don't exist.

Si Quinn naman ay abala lang sa pakikipagtext at pagkuha ng mga litrato sa amin at sa Kubo. Kahit na nga yata ang batok ko ay may kuha siya. Hindi ko talaga maintindihan si Quinn, lahat yata ng anggulo ay nakunan na niya sa akin. Kahit noong mga bata pa kami, hilig na niya talaga akong kunan ng litrato. Kahit na nga ba natutulog ako at sabog sabog ang buhok ko.

I wonder, tomboy kaya itong si Quinn. Yuck! Nakakadiri naman yata. I shook my head. Hindi ko kinaya ang imagination ko.

Quinn and I--- kissing? Eeeew!

Nang magtatakip silim na ay nag aya ng umuwi si Quinn, sabi niya ay may dinner daw sila ni Grant. Napapataas tuloy ang kilay ko sakanya. She's too fond of that old stud. Samantalang may iba pa namang mas bata diyan. They were like what? Nine years ang age gap nila. I am not sure.. pero parang hindi yata sila bagay.

King's just six years older than me, tapos si Gerald naman ay seven years or eight years.

Napa-iling iling ako. Pinapansin ko pa talaga ang age gap nila, samantalang wala namang pinagkaiba sa amin, kung sakali man na kami ni King ang magkatuluyan. I can fix my perspective for that. I can change my world view, actually. I can always break rules para sakanya kahit na sarili ko pa ang sinasalungat ko.

I rolled my eyes inwardly.
Who am I kidding, anyway?

I don't have anything against huge age gaps. Siguro ay naghahanap lang ako ng kapintasan para hindi pumasok ang ideyang bagay si Quinn at Grant.

One, I'm jealous. Inaagaw na nga ni Bobbie ang oras ni Quinn sa akin, dadagdag pa ang gurang na iyon.

Two, he's too annoying. Minsan ay naikwento sa akin ni Quinn na nagpasikat daw ito tungkol sa paghahawak ng business nila. It was like he's showing off the obvious. And that's just pissing me off. Samantalang kinikilig pa si Quinn. Duh? Hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko sakanya. In fact, kung normal ang mood ni Quinn, she'd be pissed too. She hates boastful assholes as much she hates Mayweather for saying there's no one he wants that he wouldn't get. The fuck! What's wong with that ass?

Hindi sa hater kami ng sunog na ingleserong iyon, nanggigigil at naiirita lang talaga kaming pareho sa angking kayabangan niya.

I clutched my hemline tightly.

Nakakabanas ang mga tao sa paligid.
And as of the moment, Quinn's included in the list.

She's just so unbelievable.

Or maybe, dahil gusto niya si Grant... binabago niya ang likes and dislikes niya. That's not healthy. Binabago niya ang kaibigan ko.

Three, hahanap pa ako sa susunod ng iba pang maipipintas.

"Ipapahatid kita kay Ge, DL. Will that be okay?" Sumipat pa sa relo si Quinn bago ulit bumaling sa akin. "Male-late na kasi ako sa usapan namin ni Grant kapag inihatid pa kita" she said Apologetically.

I frowned. What? Mas importante pang wag siyang ma-late sa date nila ng Grant na iyon kesa maihatid ako ng maayos?

"H'wag na kayong mag-abala, magtataxi nalang ako" I retorted, not hiding my disappointment.

Reckless heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon