"Dad pahatid po sa driver!" Lambing ko kay daddy isang sabadong nagkakape siya sa gilid ng Pool. He looked at me over his rimmed glasses.
"Are you done reviewing your lessons?" Tanong niya. Habang sinusuri ang mukha ko.
"Yes dad! Pati homeworks ko po tapos na!" I enthusiatically answered.
"When's your third periodical test? Your teacher Malou called and she told me about your standing in school"
Napakagat ako sa labi. It must be good! Nag chant ako ng paulit ulit sa aking utak. Teacher Malou please.. I want to play with Quinn. Dont spoil the day..
"Daddy.." kinakabahan kong usal. Im doing good in school but I am not confident enough to say na okay ang standing ko doon. Marami kasi akong kalaban sa top Five ng klase.
"Anak.. why are you biting your lips? Arent you afraid it might get hurt or bleed? Dont worry she didnt tell me anything bad. She just ask me if I can allow you to go with them to your Field trip. And I said yes"
Nanlaki ang mga mata ko.
"OMGEEEE! Are you serious daddy? Pinapayagan mo ako? Totoo po?"natitilihan at Hindi makapaniwalang tanong ko
Tumango lang siya at tumawa "ilang taon ka na ba sa grade school at pinalagpas ang lahat ng iyan anak? Of course I will allow you this time. Pero kasama sila King at Quinn. They will go with you" sabi pa niya.Ako naman ay tuwang tuwa. This is my first time! Unang pagkakataon na malalayo sa bahay namin na hindi si Daddy o ang mga katulong ang kasama!
"Thank you Dad! I love you po!" Yinakap ko si Dad at pinaghahalikan sa mukha. Sa sobrang katuwaan ko ay naglulundag pa ako habang nakayakap ng mahigpit sa kanyang leeg. Natigil lang iyon ng may tumikhim sa bandang gilid namin.
"Manolo, hindi ba delikado para kay DL yan? Masyadong malayo ang tagaytay" masungit na sambit ni mommy.
Here comes the evil witch.
"King's gonna be with them. Dont worry because I will ask the driver to follow their coaster" ngumiti si Daddy sa akin. Sumimangot naman ako. Bakit kailangan pa akong pasundan sa driver?
"Dad!" Angal ko
"Honey, we're just thinking about your safety" ani Dad na ngayon ay nakatingin sa kay Mommy.
Ngumisi naman ang witch na si mommy saka ako pinag taasan ng kilay "Deanne Lee you should be thankful that we always see to it that you are safe. Baka kung ano pa ang makalapit sa iyong peligro! Dios mio!"
Ngumuso ako. "Mommy I'm a big girl naman na po"
My step mom's masungit. Pero she always nags me about my safety so siguro she loves me and she's just being a good mom to me.
"You are just ten years old Deanne Lee! Respect your dad's decision!" Nanlalaki ang mga mata niya sa akin. Kasabay non ang pagsulpot ni Maria at Leandra sa tabi niya. Nakataas ang kilay nilang pareho at nakahalukipkip
"Mommy's so stressed with you. Dapat ay sinusunod mo nalang sila ni Daddy" komento ni Maria. Sipsip.
"Oo nga. You probably don't want dad to change his mind" gatong naman ni Leandra na ngayon ay nakangising demonyo na.
Napayuko ako. These two are purely pain in the ass. We are not blood related but they act like dad's real children. Mas matanda si Maria sa akin ng dalawang taon samantalang si Leandra ay apat na taon. Napangasawa ng daddy si Mommy when I was eight. Hindi ako tumutol dahil alam kong sasaya si Dad sakanya. I thought I would have a complete family then.. but these two.. they are my real life kontrabidas!
BINABASA MO ANG
Reckless heart
RandomDL grew up loving Gerald all her life. At ganon din ang binata sakanya. Sabay silang lumaki at sabay ding bumuo ng pangarap. They had created enchanting memories, a beautiful love story that everyone could retell to their subsequent generations. She...