Chapter 11

934 24 1
                                    


Inabot ako ng siyam-siyam sa panonood kay Gerald sa kanyang mga gawain ng araw 'ding iyon. Sinundan-sundan ko siya sa garahe at kung saan-saang parte ng bahay nila Quinn. He's too busy that he couldn't even throw a glance at me, but that doesn't matter. Sulit din naman kasi ang mga ginagawa kong kagagahan.

He's really drool worthy. 

Kahit na maligo siya sa pawis at magmukhang taong grasa ay hindi nabawasan ang lakas ng dating at gandang lalaki niya.

May angkin lamang talaga siyang ka-abnormalan. Antipatiko. Suplado. Hudas. Barabas. Tarantado----Pero umaapaw ang sex appeal!

"Ma'am juice po"

I looked up and saw Quinn's new maid staring back at me. She's smiling, yeah it's genuine but I would like to think that she's PLASTIC. Kahit wala siyang ginagawang masama ay naiinis ako, dahil siya lamang ang nangi-ngitian ng antipatikong si Gerald. Siya ang tinatapunan ng pansin. Samantalang ako na kanina pa nakatanga ay hindi man lang makaamot ni isang segundo ng kanyang titig.

"Just put it on the table and vanish..." lumapit pa ako ng kaunti sakanya at iritadong bumulong "...doon ka na muna sa loob ng bahay at 'wag na wag kang magpapakita sa akin, o kay Gerald. Just do your chores alone and let Gerald be on his own" I gritted through my teeth.

May bahagyang gulat at pagkalito ang bumalatay sa kanyang mga mata ngunit malaunan ay napatango nalamang siya.

"Sige po, ma'am. Maiwan ko na po kayo. Tawag---"

"Sssh. Just go. I won't ever call your attention. Don't bother.. " I didn't hide my irritation. Pake ba niya? Maldita talaga ako.

"Okay po, ma'am"

Umirap ako "good girl. Now, evaporate!"

Hindi na siya muling kumibo at tahimik na umalis. Saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag ng nawala siya sa aking paningin. 

I averted my eyes to Gerald who's now glowering at me. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at maarteng sinimsim ang juice. Ilang sandali pa ay tumalikod nalamang ulit siya at padabog na hinila ang power spray at muling itinutok sa gulong ng sasakyan.

Yeah, flex your muscles gorgeous. Sandaling panahon nalang at babagsak ka rin sa akin!

Hanggang sa mag-alas kwatro ay hindi parin niya ako tinapunan ng pansin. Hindi man lang niya ako kinausap. Ni hindi ako nilapitan.Ewan ko ba sa lalaking iyon, walang manners.

Hindi naman ako hangin para daan-daanan lamang niya. Mabuti nalang at may mga magagandang halaman at mga bulaklak na nakakapukaw ng inip ko bukod sa abs niyang nakakasilaw.

Nakakainis pero.. hindi ko maramdaman sa sarili ko ang pagkapagod.

Habang tumatagal kasi na nagiging suplado siya ay mas lalo lamang akong natutulak para kilalanin ang buong pagkatao niya. He's a challenge..though.

"Hija, hindi ka pa ba hinahanap ng Daddy mo? Mukhang gagabihin si Quinn sa pag-uwi" malumanay na wika ng Mommy ni Quinn.

She tapped my shoulder and smiled at me. Napangiti rin ako sakanya pabalik. I didn't know she's just beside me. Marahil ay kanina pa siya nandito sa tabi ko, at hindi ko lang napansin dahil sa sobrang pagkalunod ko sa imaheng mortal ni Gerald.

"Okay, lang po. Nagpaalam naman po ako na mahuhuli ako sa pag-uwi" magalang kong sabi.

Napatango lang ang mommy ni Quinn at ibinaling ang atensiyon kay Gerald. May kung ano sa makina naman ngayon ang kinukumpuni niya.

I wonder how it feels like to be Quinn's porche? Ano  kayang pakiramdam ng pinagtutuonan ng pansin at kinakalikot ng isang matipuno at makisig na Gerald?

Reckless heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon