Simula ng masaksihan ko ang kabulastugang ginawa ni King sa cr ay nawalan na ako ng gana upang sundan sundan siya. Nagka-phobia na yata ako at biglang naduwag na makasaksi ng ikasisikip ng dibdib ko. Ngunit hindi naman nakabawas iyon sa nararamdaman ko para sakanya. Pakiramdam ko nga ay mas tumindi pa. Ewan ko ba kahit na ganon siya ay minamahal ko parin siya. Kahit na minsan masakit na. Kahit na alam kong hinding hindi niya ako makikita at mapapansin sa paraang gusto ko.
Sa nakalipas na walong taon ay nakukontento nalamang ako sa pagsulyap sulyap niya at pag-ngiti ngiti sa akin kahit na walang malisya. At oo, gusto ko talaga may malisya--iyong hahanga siya sa ganda ko at maglalaway sa perpekto kong katawan. Ilang taon 'din naman akong nagbuno sa pag dyi-gym para lang gumanda ng todo ang hubog ng katawan ko. Ngunit waley parin sa mga mata ni King. Minsan nga naiisip kong pikutin nalang siya at ilayo sa mga babae niya, pero syempre hindi naman ako ganoon kadesperada. May katinuan pa namang natitira sa isip ko.
At habang ginagawa ko ang lahat para mapansin lamang ni King ay siya namang paglabas masok ng mga lalaki sa buhay ko. Hindi ako playgirl, hindi rin naman ako malandi---sadya lamang na marunong akong makisama. At kung pagod na ako sa isang tao hindi ko direktang sasaktan ang damdamin nila. Ako ang gagawa ng paraan para lumabas na ako ang nasaktan at naalipusta. Kung ayaw mong maguilty o masaktan--pangunahan mo ng stratehiya. At least hindi mo na kailangang humingi ng dispensa o kapatawaran. Sa halip ay sila pa ang unang makokonsyensiya, lusot di ba?
"How dare you?" Pinatulo ko muna ang isang butil ng luha mula sa kaliwang mata ko (sabi ni Yaya, mas epektibo daw ang stratehiyang ito ni Juday-- mas kapani paniwala. Hindi masasayang ang Vicks sa paligid ng mga mata ko) bago ko siya sinampal ng magkabilaan.
Napangiwi ako sa naging reaksiyon ni Austin. He looked pissed and murderous.
"Damn! Woman! That stings!" He cursed. Akma siyang lalapit sa akin nang lumayo ako ng may pandidiri sa mukha. Nakahubad pa kasi siya at parang walang pakialam kahit na kitang kita ko ang naglalambitin niyang big bird. Sa totoo lang ay ngayon ko lang iyon nakita sa personal. At hindi talaga biro ang laki nito. Nangilabot ako habang iniisip kung sa kin iyon ipapasak. Sigaradong hindi ko kakayanin. Napangiwi at napa iling iling ako sa naisip. Eeew!
"Huwag kang lumapit! break na tayo! Niloko mo ako!" Madrama kong ikinumpas ang aking kamay sa harapan niya na para bang hirap na hirap ako sa paglapit niya. Pwe!
He gritted through his teeth "break? Niloko? Akala mo ba hindi ko alam na pakana mo ang lahat ng ito?"
Napalunok ako sa isiniwalat niya. Bigla ay nanlamig ang mga palad ko at pakiramdam ko ay namutla na ang buong mukha ko sa pagkagulat. Paano niya nalaman?
Natawa siya na parang demonyo at muling humakbang palapit sa akin. Humakbang din ako palayo hanggang sa tumama na ang likod ko sa malamig na pader ng unit niya. I peered past at his shoulder and found Fiona biting her lower lip. I scowled at her. Damn!
"Now, who do you think you're gambling with?" Ngumisi siya at ikinulong ako sa pagitan ng kanyang mga kamay. Napangiwi ako ng bahagyang luamapat ang hubad niyang katawan sa akin. Dumasog pa ako ng konti para makalayo sakanya ngunit walang nagawa ang maliit na espasyo sa pagitan namin.
"You hired a stupid bitch to lure me to bed, huh? So you think you're good enough for this?"
Damn! Fiona wants you too, asshole! I didn't just hire her. I actually gave her the favor!
"But she likes you!"
Mas lalong lumapad ang ngising demonyo niya sakanyang labi saka nilingon ang halos mangiyak ngiyak ng si Fiona. For the first time, I felt a sudden guilt in my heart. Oo nga at binigyan ko ng pagkakataon si Fiona upang makasama at maakit ang taong matagal na niyang gusto pero hindi ko mapigilan ang galit sa aking sarili. Ibinuyo ko siya sa ganito and now I feel responsible for whatever hurt she was now receiving.
![](https://img.wattpad.com/cover/31754436-288-k978543.jpg)
BINABASA MO ANG
Reckless heart
RandomDL grew up loving Gerald all her life. At ganon din ang binata sakanya. Sabay silang lumaki at sabay ding bumuo ng pangarap. They had created enchanting memories, a beautiful love story that everyone could retell to their subsequent generations. She...