"DL, ang iksi naman ng pisi mo!" Napuno ng malutong na tawa ni Quinn ang loob ng sasakyan at hindi inalintana ang aking pag-ismid. Samantalang si Gerald ay tahimik lamang at panaka-nakang nagmamasid sa bawat kibot ng aking mukha. I can see his soothing stares at the rearview mirror. Gayunpaman ay naiinis ako sakanilang dalawa ni Quinn.
"Minsan kasi pa-demure ka naman para magustuhan ka ng crush mo..." dagdag na pang-aasar sa akin ni Quinn. Tumawa ulit siya at lumingon sa akin. Umirap lang din ako at pilit na pinanood ang tanawin sa labas.
"Gerald, ang cute mag blush ni DL no? Parang inosente!" Baling niya kay Gerald na parang nanunuya.
I swallowed. I can hear the sudden leaping of my heart inside my chest. Hindi sumagot si Gerald. Napatingin lang siya saglit kay Quinn at pagkatapos ay ibinalik na ang mga mata sa daan.
Instead of whinning, I just opted to shut my mouth and throw Quinn a glare. But she's Quinn, of course she won't stop until I budge.
Napatingin ako sa rearview mirror at nagtama ang mga mata namin ni Gerald. Napairap nalang ulit ako. I saw something. Wait... was he smiling? Or is it just me?
O nevermind!
"DL, ayaw mo pa rin?" Pangungulit ni Quinn, she even pinched my nose. Iniwas ko nalang ang mukha ko at humalukipkip. Ayoko talagang makipag usap sakanya, lalo na at nakisama siya sa sama ng panahon na namumuo sa utak ko. I have a feeling that she's tripping me and she's bored that's why she chose me as her subject for today.
Gusto ko na sana ang kalokohang iniisip ni Quinn, kahit na ako ang gagawin niyang rug doll sa araw na ito, dahil involve si Gerald.. pero nakakainis lang talaga na hindi ko siya masabayan sa kanyang trip.
Again, I looked at the mirror where I can take a peek at Gerald's eyes. Seryoso ang mga titig niya sa daan. Napansin kong papasok na pala kami sa car park ng aming university. I sighed.
Makakahinga na rin ako ng maluwag. Tatakasan ko ang bruhang kaibigan ko, just so I could escape her insanity.
"Your stares sound familiar!" She even joked. or is it even a joke?
'Di ko makuha eh!
"DL, sus! Pakipot! That's not so bagay. Ang kulit mo lang nung Sabado! I mean every Saturday makulit ka, tapos ngayon na nandito ako, nagpapa-hard to get ka? Ano ka chicks?" Yinugyog pa ulit ako ni Quinn. I just rolled my eyes and kept my mouth from blabbering.
Huminto ang sasakyan at napatingin ulit ako sa mga makikislap at malalalim na mata ni Gerald. It keeps me thinking. Kakaiba kasi ang mga titig niya. It's very mysterious.
"Ge, sasamahan mo ba kami ni Dl sa loob?" Tanong ni Quinn habang tinatanggal ang strap ng kanyang seatbelt.
Nakita kong umiling si Gerald. "Hihintayin ko nalang kayo dito" may kung ano sa boses niya na kayang imanipula ang bawat taong makaririnig sa mga sinasabi niya.
"Ay sayang! Baka kasi gumanda ang mood nitong kaibigan ko at batiin ako kapag naisama ka namin!"
I think this would be enough for today!
Hindi ko na muling pinakinggan ang isasagot ni Gerald. Gusto ko nalang makaaalis at iwasan si Quinn.
Padabog kong isinara ang pinto sa backseat ng kotse ni Quinn nang makababa ako mula rito. Hindi ko na rin hinintay ang dalawa mula sa paglabas, I just wanted to breathe some freash air. I needed a break, goddammit!
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay dinig na dinig ko na ang malakas na halakhak ni Quinn mula sa aking likuran, sabay sigaw ng LOSER. I just can't stop rolling my eyes in irritation. If i could just throw her a dirty finger ay ginawa ko na.

BINABASA MO ANG
Reckless heart
RandomDL grew up loving Gerald all her life. At ganon din ang binata sakanya. Sabay silang lumaki at sabay ding bumuo ng pangarap. They had created enchanting memories, a beautiful love story that everyone could retell to their subsequent generations. She...