Chapter 10

906 19 0
                                    

"Dad, h'wag mo na po akong ipasundo sa driver mamaya. Si Quinn na po ang maghahatid sa akin" sabi ko kay daddy habang pasakay sa kulay abong SUV.

Kumunot ang noo ng tatay ko. Lumapit siya sa sasakyan bago ko pa man maisara ang pinto. He had a questioning look on his face which is palagi naman talaga.

Magpapahatid ako ngayon sa mansion nila Quinn. It's saturday kaya siguradong wala siyang pasok sa office. Aayain ko siya ngayon sa mall, we'll go shopping and watch a movie perhaps. Ganon naman talaga ang palagian naming ginagawa tuwing walang pasok. Nabawasan lang ang bonding namin na iyon noong naging friends sila ni Bobbie.

Jeeez! I hate Bobbie so much!

"No. Nakakahiya naman sa anak ni Giovanno. May sarili kang driver kaya hindi ka magpapahatid kay Quinn. That's final!" Matigas at ma-awtoridad na wika ng daddy ko.

Like I can do something to defy him huh?

Napanguso nalamang ako at tumango. Sabi ko nga, hindi ako makaka-epal sa taong mas epal pa sa'kin.

"Be sure you'll be home by four" he added.

I made a face.

"Dad! Grabe naman, ba't ang aga ng curfew? Tinalo pa ako ng grade schooler eh!" Halos magpapadyak ako sa loob ng sasakyan. Kulang nalang ay magtantrums ako. He's treating me like a kid again.

"Deanne Lee, you've been spending a lot of time doing things that aren't really necessary. Panahon naman para magpaka-mature ka. Act your age. When I say, you obey. That's the rule. Sunday bukas. Tayo naman ang magkasama."

"Ihhh! Daddy nga! Napaka mo! Please don't be ridiculous! I'm just enjoying my teenage life. Ni hindi nga ako nakakapag night out with my friends because you are too uptight. Takot sa'yo halos lahat ng naipakilala kong kaibigan, kasi ang strict ng dating mo. Tapos I'm not allowed to entertain boys pa! So you tell me... paano ako magkakaboyfriend kung ang nega mo?" Maktol ko.

I almost squaeal when he pinched my hips.

"Dad!"

He looked amused. Napatawa siya sandali at muling pumormal. "Don't you ever talk to me like I'm just your age. Now go!"

I rolled my eyes. Pinitik niya ang pisngi ko. Then he sighed.

"Anak, makinig ka nalang kay Daddy. Dalaga ka na, I'm just protecting you" malumanay niyang wika. His eyes flashed of something, iyon ang palagi kong nakikita sakanya buhat ng bata pa ako. I could see how he loves me.. but I don't see that he's filled with my love for him alone. May kung anong kulang. Hindi ko lang masabi kung ano.

"Daddy, naman. Kasi! Kaya ko na ang sarili ko." Iritado ko paring sagot. Napahalukipkip ako at nag iwas ng tingin. Alam kong nakatitig lang siya sa akin.

Ilang minuto pa ang nakararaan ay napabuntong hininga na siya at tinapik ang aking hita.

"Okay. You win. By six, dapat nasa bahay ka na"

Napatingin ako sakanya. His lips curved upward. Hindi parin ako ngumingiti.

"Seven" tawad ko.

Kumunot pa uli ang noo niya. Nawala ang ngisi sa kanyang labi.

"Six"

"six-forty five, dad" I almost begged.

"Six."

"Six-thirty!" Huling tawad na po!

"Six" he said adamantly. I can see no humor in his face anymore.

So that's it. Sabi ko nga, siya tatay..anak lang ako... kaya siya ang masusunod.

"Okay, fine!" Pagsuko ko. Napairap nalang ako sa kawalan. Muli niyang pinitik ng marahan ang pisngi ko.

Reckless heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon