[20] Face Your Enemy

283K 6.7K 1.5K
                                    

                                     

                                             ****

BLAG!

Napagitla si Isabelle mula sa tahimik na pagkakaupo sa kanyang mesa nang makita kung sino ang walang pasabing sumulpot sa kanyang opisina.

"M-Mrs. Monteverde..."

"Kumusta ang business partner ng asawa ko?" nakangising bati ni Alex.

Takot na sumunod sa pagpasok ang sekretarya ng CEO. "Ma'am I know she has no appointment...p-pero ayaw niya pong magpapigil sa pagpasok dito," paliwanag nito.

Tumingin si Isabelle sa bisitang ngingiti-ngiti subalit nakataas ang isang kilay. "I-It's okay. Please bring her coffee or tea."

"Yes Ma'am."

Sinara ng sekretarya ang pinto. Tumayo si Isabelle at inalok ang bisita na maupo sa couch set nang may nag-aalinlangang ngiti.

"Have a seat Mrs. Monteverde."

Binalewala ni Alex ang alok. Sa halip ay nakahalukipkip na iginala niya ang mga mata sa opisina at nagpalakad-lakad.

"Hindi na kita inabisuhan sa pagbisita ko baka kasi paghandaan mo masyado. Magsabit ka pa ng banderitas at maglatag ng carpet. Ayoko ng masyadong magarbo," sarkastikong salita niya.

Kunway walang narinig si Isabelle at mahinahong naupo siya sa sopa para pakiharapan ng maayos ang asawa ng chairman ng Golden Pacific. Pumasok ulit ang  kanyang sekretarya bitbit ang tray ng dalawang tsaa at inilapag ang bawat tasa sa salaming center table.

"Close the door," utos niya sa tauhan.

"Yes Ma'am."

Paglabas ng sekretarya ay saka naupo si Alex sa katapat na couch ng CEO. Tiningnan niya ang dalaga mula taas hanggang baba nang may natural na mukha. "Maganda ka, bata, mayaman. Wala ka bang ibang lalaking pagpipilian para isiksik yang sarili mo sa isang may asawa?" kaswal na sabi niya sabay de kuwatro at inom ng tsaa.

Ngumiti ng pilit si Isabelle. "H-Hindi k-kita maintindihan..."

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Magaling ka ngang magplano sa maraming bagay eh ano pa ang simpleng paghula sa dahilan ng ipinunta ko dito," nakangising wika ni Alex habang diretso ang tingin sa kausap.

Napainom ng tsaa si Isabelle. Dama niya agad ang kakaibang taglay na tapang ng kausap. Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib pero hindi niya ito pinapakita. Nasa teritoryo niya ang babae kaya't wala itong karapatang magtapang-tapangan.

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo Mrs. Monteverde. Pero sa tono ng pananalita mo ay nahuhulaan kong pinagseselosan mo ang pagiging malapit ko kay Mr. Monteverde." Ngumisi siya at tiningnan ang bisitang naturingang asawa ng isang bilyonaryo ngunit kulang na kulang ang bahid ng kasosyalan sa katawan. "I understand your insecurities. Pero bago ka mag-aksaya ng oras sa panunugod bakit di ka magpaganda para huwag kang iwanan ng asawa mo."

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon