[22] Fate Intervention

251K 6.3K 1.2K
                                    

                                    *****

Nakipagkita si Blake sa isang restaurant kay Isabelle. Bago iparating kay Alex ang natanggap na bagong problema, gusto niyang personal na alamin kung nagsasabi nga ng totoo ang CEO ng Hexagon. At ngayon nga'y nanghihina siya habang tinititigan ang isang resulta ng ultrasound na ibinigay sa kanya ng dalaga. 

Nanlalaki ang kanyang mga mata at bahagyang nanginginig ang mga kamay habang tinititigan ang larawan.

"I'm six weeks pregnant. Nagpatingin ako dahil mahigit isang linggo na akong delay," ani Isabelle habang maya't mayang napapainom ng tubig. Kung tatantiyahin eksakto nga ito sa araw nang pagkakalasing ng lalaki.

Napabuntong-hininga ng malalim si Blake. Nanghihinang inilapag niya ang hawak na ultrasound result sa mesa. Napapikit siya at problemadong napasabunot ng marahan sa sarili.

"How could you do this to me? May pamilya akong tao Ms. Chan," mahina ngunit ubod ng diing sumbat niya.

Hindi makasagot ang dalaga. 

"Sa tingin mo ba isang malaking biro lang ang lahat ng ito?" dagdag niya.

"It's not a joke for me. I like you and I want to be your woman, Mr. Monteverde. And I don't care kong maging pangalawang babae mo lang ako. Mabigyan mo lang ako ako ng kaunting atensiyon ay sapat na sa akin," matapang na pag-amin ng dalaga.

Napanganga si Blake sa tinuran ng kausap. Hindi siya makapaniwalang nanggaling ang mga salitang ito sa bibig ng dating iginagalang niyang CEO. Dahan-dahan siyang natawa nang may di makapaniwalang mukha.

"Wala akong magiging pangalawang babae dahil wala akong ibang mamahalin kundi ang asawa ko," madiing sabi niya. "How could you be this selfish? Naisip mo man lamang ba na hindi lamang asawa ko ang masasaktan mo kundi pati na rin ang anak ko?"

Maluha-luhang tumingin si Isabelle sa lalaki. " How about this child? Anak mo rin naman ito... I was only longing for a portion of your attention pero hindi ko ginustong umabot sa ganito. You're thinking about your family pero paano naman ako?..."

"...Do you think my father will accept this? He will disown me. Tatanggalin niya ako sa Hexagon. So help me Mr. Monteverde..." nagmamakaawang wika niya.

"You planned all of these and now you're dragging me into finding the solution. You're being unbelievable Ms. Chan," nagtitimping sagot ng lalaki.

"Sapagkat anak mo ang pinagbubuntis ko."

Natigilan ng ilang saglit si Blake. Tiningnan niya ng diretso sa mga mata ang kausap. May gusto siyang itanong ngunit nagdadalawang-isip siya sapagkat labag ito sa kanyang prinsipyo bilang lalaki. Naghihinala man siya pero babae pa rin ang kaharap niya. 

"You're doubting me right?" kusang wika ng dalaga nang mabasa sa hilatsa ng mukha ng lalaki ang pagdududa. "Para sa ikatatahimik mo, pwede mo akong samahang magpatingin sa doktor. And right after I deliver this child hindi ako tututol kung gusto mo itong ipa-DNA test agad," siguradong-siguradong pahayag nito.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon