[21] Stand By You

279K 6K 1.1K
                                    

                             

                                       ****

Naghahanap ng magandang tiyempo si Blake para kausapin si Alex. Subalit habang hindi pa sila nakakatakas mula sa mga paningin ng anak, inuumpisahan niya nang bumawi sa pamamagitan ng maya't mayang paglalambing.

"Try this honey. This one is good," wika niya habang sinusubuan ang asawa.

Napapangiwi si Cassandra habang pinapanood ang maya't mayang pagsusubuan ng mga magulang sa hapag kainan. "Dad, why do you keep feeding Mom? She's a big girl already and her hands are fine," tampo niya sapagkat hindi siya gaanong napapansin ng ama. "How about me?"

Tumawa si Alex. "Halika, susubuan kita. Here."

"I don't want that. Gusto ko galing kay Daddy," sabay bitaw ng bata sa kanyang kubyertos at kusang ngumanga habang naghihintay na subuan ng tatay.

"Okay here's a special one for my beautiful princess," ngiti ni Blake. Inilapit niya ang kutsara sa nakangangang bata ngunit bago makarating sa bibig nito ay pabirong inilihis niya ito at diretsong isinubo kay Alex.

"Waah! Daddy you're bad! Puro na lang si Mommy ang pinapansin mo! I'm the little girl here!"

Sabay na natawa ang mag-asawa.

"Itigil mo na nga yang pang-aasar mo," ani Alex sa mister.

Tumikhim si Blake at nakangiting tumingin sa kanyang mag-ina. "I cleared my schedule this Saturday. Is there anything you wish to do this weekend?"

Agad na nagliwanag ang mukha ni Cassandra. "Yes! I want to go to the mall, to the amusement park, to Tita Margareth's house and to Lola's house!"

"Okay we'll do all of that."

"Really Dad?" namimilog ang mga matang tanong ng bata.

"Yes," siguradong sagot ng ama.

Nagtatakang tumingin si Alex sa mister dahil sa kakaibang mood nito. Nang mahuli siyang nakatingin ay binigyan lamang siya nito ng simpleng kindat at ngiti.

Pagkatapos ng hapunan at nang masolo ng mag-asawa ang kuwarto, tahimik munang pinagmamasdan ni Blake ang misis na noon ay ginagawa ang ritwal nitong pag-aayos ng sarili sa harap ng salamin bago matulog. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim habang dinadagdagan pa ang naipong lakas ng loob. Maingat siyang lumapit sa asawa't niyakap ito ng mahigpit mula sa likuran. Idinampi niya ang mga labi sa tenga nito.

"I'm sorry wifey...I'm very very sorry..." ubod ng seryosong bulong niya. "Hindi ko alam na nasasaktan ka na naman nang dahil sa akin."

Biglang napaharap si Alex at nagtatakang tumingin sa malungkot na mga mata ng mister. "Hon, a-anong ibig mong sabihin?"

Napalunok muna si Blake habang hirap na hirap sa pagbuka ng kanyang bibig. "N-Nakausap ko si Ms. Chan. I-Ipinagtapat niya sa akin ang mga nangyari noong nalasing ako... S-She mentioned things that I couldn't remember... I-I think I committed a very big mistake, honey." Naluluhang niyakap niyang muli ng mahigpit ang asawa. "I'm sorry Alex...hindi ko sinasadya... Forgive me."

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon