[11] The Credit Card

315K 6.6K 526
                                    

                              ****

PAK!

Dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Isabelle mula sa nanggagalaiting ama. Gulat na gulat ang dalaga sa di inaasahang pananakit ng magulang.

"What did I do to deserve this slap, Dad?"

"Brandon just talked to me! What were those garbages that came out of his mouth?"

Nanlaki ang mga mata ni Isabelle. Ang nanakit na pisngi ay dahan-dahang nagmanhid. Biglang kumulog ang dibdib niya sa nerbiyos. Lumapit sa kanya ang ama at muli siyang sinampal.

"Siya ba ang dahilan kung bakit tinatanggihan mo lahat ng mga lalaking pinapakilala ko sayo?! You refused millionaire's sons para lamang lumandi sa isang pipitsuging pulis! Ang buong akala ko ay kapatid lamang ang turingan niyo pero yun pala'y kinakalantari niyo ang isa't isa! MGA WALANG UTANG NA LOOB!" Pulang-pula ang mukhang sabi ni Mr. Chan.

Natatarantang kumapit si Isabelle ng may nagmamakaawang mukha sa braso ng magulang. "D-Don't believe him Dad. He's making up a story. He confessed to me and I rejected him kaya gumagawa lang siya ng paraan to get hold of my feelings. I swear that he's nothing but a brother to me!" naluluhang paliwanag niya.

Tinulak ni Mr. Chan ang anak. "Sinong niloko mo?! Brandon is a principled man! He wouldn't have the courage to tell me this kind of things kung wala siyang gustong panindigan!" Napakuyom ng mga kamay ang negosyante. Humarap ito sa salaming dingding ng opisina at tumingin sa malayo nang may lumalabas na mga litid sa leeg. "How dare him defy me. I'd treated him like a son. Sinuportahan ko ang pagpupulis niya even against the will of his father. I've raised him to be my sheep but he betrayed me in my own grazeland!" Tumingin ito sa nanginginig sa takot na anak at ngumisi. "Bagitong pulis pa lamang siya ay natuto na siyang kagatin ang among nag-alaga sa kanya! Hah! Let's see how he'll handle my treatment to those who are disloyal to me!"

Muling humawak si Isabelle sa kamay ng ama at nagmamakaawang lumuhod sa tabi nito. "Don't touch him Dad! I swear I'll stay away from him. Hinding-hindi ko na siya hahayaang makalapit sa akin. Brandon is like a family to us. You couldn't hurt him just because of this small misunderstanding! I beg you Dad! Pabayaan niyo na lang siya!" umiiyak na pakiusap niya.

Binigyan siya ng mababang tingin ng ama at nginisian. "Yan ba ang kapatid lamang ang turing? Nagmamakaawa ka para sa kanya?! Isabelle pagsisihan mo yang katigasan ng ulo mo. Hintayin mong ipamukha ko sayo kung papaano ko paparusahan ang Brandon na yan!"

Bumilis ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ng ama. "Please don't do it Dad! I'm begging you! I promise to follow your decision from now on just leave Brandon alone. Susundin ko lahat ng gusto niyo just to prove na wala akong relasyon sa kanya!"

Nanahimik ng ilang saglit si Mr. Chan. Tinitigan niya ang umiiyak na anak. "Then prepare yourself to get married in three months."

Umurong ang mga luha ni Isabelle at nanlalaki ang mga matang tumingin sa ama. "Dad..."

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon