[4] A Wife's View

394K 7.6K 873
                                    

                                                *****

"Kailangan ba talagang ikaw pa rin ang personal na nag-aasikaso sa bakery na ito? Dala-dalawa na ang inaalagaan mong anak tapos tatlong buwan ka pang buntis, kaya mo pa ba? Parang ako ang nahihirapan sayo," komento ni Alex habang nakaupo sa tapat ng counter at pinapanood si Margareth na nagpupunas ng estanteng salamin.

"Oo naman. Kayang-kaya ko pa! Sa branch na lang na ito ako hands-on pero yung tatlo ko pang mga branches ipinagkatiwala ko na sa mga managers ko," sagot ng kaibigan na tila di man lang iniinda ang pagdadalantao. Blooming na blooming pa rin ito at sopistikada pa ring manamit. Mas mukha pa nga atang siya ang mas maraming anak kung pagbabasehan ang pag-aayos sa sarili.

Matanda lamang kay Cassandra ng anim na buwan ang panganay nitong si Harry. Samantalang tatlong taon naman ang pangalawa nitong anak na babae. Di tulad niya, medyo hati ang oras ng kaibigan sa pamilya at sa negosyo nito. Ngunit gayunpaman hindi pa rin naman ito nagkukulang bilang ina at asawa. Napakagaling nito sa time management, di niya nga rin maintindihan kung bakit sa kabila ng napakaraming inaasikaso, hindi man lang ito makitaan ng stress sa mukha. Lagi pa rin itong maganda at nakaayos. Pati katawan nito ay tila walang pagbabago.

"Hindi ba masama sa pagbubuntis mo ang pagtatrabaho? Buti pinapayagan ka pa ni James," komento niya.

"Hindi naman ako sensitive magbuntis. Saka alam naman ni James na hindi stress ang nakukuha ko dito sa bakery. This is one of the sources of my energy. And plus the fact na dumadami na ang anak namin, mas lalo akong dapat tumulong sa paghahanap buhay. Di ako kagaya mong bilyonaryo ang asawa na kahit humilata na lang habambuhay ay mayaman pa rin!"

"Hindi ko naman sinasabing isarado mo tong negosyo mo... Ang sa akin lang ay magpahinga ka naman muna lalo't buntis ka. Hindi niyo naman ikakahirap ang kaunting panahong pagpapahinga mo," katwiran niya.

"Alex ang isang negosyo kapag napabayaan mo ng kahit maiksing panahon lamang ay maaring ito na ang maging dahilan ng ikabagsak nito. Buti sana kung makabangon ka, paano pag hindi? Kawawa naman ang mga anak ko. James and I are both helping each other to support the future of our children. Magtatatlo na ang anak namin kaya hindi kami pwedeng magrelax-relax. Sa pagpapa-aral pa lang ay gusto ko ng tumambling sa mahal ng mga bayarin," litanya nito.

Tumunog ang chimes na nakasabit sa glassdoor at binati agad ni Margareth ang pumasok.

"Hi Inspector Aldovar!"

Napalingon si Alex sa bagong pasok na kustomer nang marinig ang kaibigan na tinawag itong inspektor.

"Good morning Ma'am," kiming bati nito kay Margareth.

Tahimik na pumuwesto ang lalaki sa isang mesa.

"Lea," tawag ni Margareth sa isa sa mga tauhan.

"Yes Ma'am?"

"Bigyan mo ng kape ang binatang yun at tanungin mo na rin kung gusto ng tinapay o kaya'y sandwich."

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon