[16] The Rebirth of A Gangster

373K 7.1K 999
                                    

       

                                                                  ****

Masayang nag-umpisa ang araw ng mag-anak ng Monteverde. Sama-sama silang nag-almusal at umalis ng bahay. Kinansela ni Blake ang lahat ng appointments sa umaga para pagbigyan ang hiling ng asawa na magpakunsulta sa kanyang doktor. Magkasama nilang inihatid si Cassandra na tuwang-tuwa dahil sa bibihirang pagkakataong pagsama ng ama sa paghahatid sa eskwelahan. Pagkahatid sa bata'y dumiretso ang mag-asawa sa ob-gyne. At ang kanilang huling lakad ay ang pagpunta sa pinapasukang hospital ni Dr. Claro, ang doktorang neurologist na may edad limampung taong gulang. Isa ito sa mga pinakamagagagaling na espesyalista sa bansa at siya ring doktor ni Blake umpisa nang madiskubre ang sakit ng lalaki kapag nalalasing.

"This is the result of your  CT scan we just took today," sambit ng doktora habang tinitingnan ang x-ray films kasama ang mag-asawa.

"May problema ho ba?" di makapag-antay at kabadong tanong ni Alex.

"Everything is normal," nakangiting pahayag ng doktor.

Agad na nakahinga ng maluwag si Alex sabay napahawak ito sa dibdib. Samantala, kalmadong napapangiti lamang si Blake habang tinitingnan ang kanina pa di mapalagay na misis habang naghihintay ng resulta. "I told you, hon. I'm fine. Nalasing lang talaga ako't nakatulog and it has nothing to do with my former sickness," kumpiyansang wika niya.

Inalok sila ni Dr. Claro na maupo sa harap ng desk nito. "But Mr. Monteverde please keep monitoring your level of alcohol intake. You're no longer a heavy drinker kaya mas malaki ang chance na mablack-out ka kapag nasobrahan ka sa limit mo. Although you're cured for years but please still don't forget that you're brain is very delicate to substances that could trigger hallucination such as drugs and alcohol. And also avoid drinking when you're tired or stressed because that is the moment in which you're very prune to passing out even with just a little amount of alcohol intake," mahabang payo't paliwanag ng doktora.

"Yes doc," tango ni Blake. "I think you're right. Because that day I was indeed too busy and had also faced some stressful problems in the company."

"But aside from passing out, were there other things occured to you na kaparehas ng mga palatandaan ng dati mong sakit?" tanong ni Dr. Claro.

Napalunok si Blake at panandaliang tumingin kay Alex. May isang bagay siyang naalala at ito ay yung tila sinundo siya ng asawa sa karaoke lounge. Nag-atubili muna siyang sabihin ang natatandaan dahil baka mag-alala na naman ang misis ngunit alam niyang hindi siya pwedeng magsinungaling sa doktor.

"Well actually doc...t-there's one thing."

"And what is it?"

Muli niyang tiningnan ang asawa nang may mga matang nagpapahiwatig na wala itong dapat ipag-alala. "A-Actually there was this one instance in which I thought Alex arrived to fetch me from the venue..."

Nagulat si Alex sa narinig ngunit pinilit niyang magkunwaring hindi apektado upang magtuloy-tuloy ang pagkukuwento ng asawa.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon