[39] The Greatest Gift of All (Final)

361K 8K 2K
                                    


*****


May kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang pamilya Monteverde sa kanilang master bedroom. Si Alex ay maya't mayang nagdadampot ng mga kalat. Si Blake ay tutok na tutok sa pagbabasa sa kanyang laptop at si Cassandra ay nakadapang nagsusulat sa kanyang maliit na kuwaderno sa ibabaw ng kama.


"Cassandra Marlene! How many times do I have to tell you that everytime you finish playing dapat ay nililigpit mo ang mga toys mo!" sermon ng ina habang nakatingin sa nagkalat na mga laruan sa sahig.


Problemadong napakamot sa ulo si Cassandra. "Mom, I'm not done playing. May naisip lang akong dapat isulat before I forget it."


Inusisa ng ina ang kwaderno ngunit agad itong tiniklop ng anak.


"Why are you hiding it?" nakapamewang na duda ni Alex.


"Because these are my personal notes."


Lumapit at naupo si Alex sa tabi ng bata. "Aba at kelan ka pa natutong maglihim kay Mommy ha?" wika niya nang may lumalaking mga butas ng ilong.


"It's not a secret. It's just something that's not advisable to tell you," katwiran ni Cassandra.


Inilahad ng ina ang palad. "Let me see it."


Naupo si Cassandra at itinago sa kanyang likuran ang notebook. "Mommy naman eh."


"Patingin sabi."


"Mom don't you know that a person has her right to a thing called privacy?" apela pa rin ng bata.


"That's only applicable for grown ups and not for kids like you," sagot ng nanay.


Nagpapasaklolong lumingon ang bata sa nanahimik na ama. "Daddy si Mommy oh!" sumbong nito.


"Just listen to your mother," maiksing tugon ni Blake nang hindi inaalis ang mga mata sa laptop.


"Kitam. Akin na sabi," ani Alex.


Walang nagawang inabot ni Cassandra ang kuwaderno. "Here," lulugo-lugong sambit nito.


Kunot noong nagbasa si Alex.


Fifteen days to go before Mom and Dad leave me to Lola's house. EXCITEEEEED!!!! YEHEY! YEHEY! YEHEY! :):):):):)


My plans.


1. Ask Lolo Lauro to play soccer with me.

2. Practice cartwheel on the lawns.

3. Watch war movies with Lolo General.

4. Ask Tito Dennis to go biking with me.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon