[24] Negotation

248K 5.9K 643
                                    

          

                                                    ****


Walang takot na sumugod si Brandon sa Hexagon Realty. Wala na siyang anumang bahid ng pag-aalinlangan. Kung dati'y iniisip niya pa ang reputasyon ng dalagang CEO ngayo'y hindi na sapagkat ito na rin mismo ang sumisira sa sarili nitong pangalan.


Binuksan niya ang pinto ng opisina nito sa kabila ng pagpigil sa kanya ng sekretarya sa kadahilanang nasa meeting daw ang dalaga. Napatingin sa kanya ang mga naroroon sa silid ngunit binalewala niya ito sa halip ay agad na hinanap ng mga mata niya si Isabelle. Para itong nakakita ng multo habang nakatingin sa kanya.


"Let's talk," matigas na wika niya.


"C-Can't you see I'm in the middle of a meeting?" ani Isabelle habang pilit itinatago ang kaba sa dibdib.


"Then fine. Let's talk in front of everybody," hamon ng lalaki.


Napalunok ang CEO at medyo napapahiyang tumingin sa mga kausap. "I'm sorry but can we continue this meeting some other time."


Isa-isang lumabas ang mga ka-meeting. Nang masolo ng dalawa ang opisina agad na hinarap ni Isabelle si Brandon nang may nanggagalaiting mukha.


"What is your problem?!"


"Ikaw ang may problema! Hindi ako!" sumbat ng binata.


"At anong problema ko? You are the one who can't accept rejection! Kahit paulit-ulit mo akong sugurin dito, hindi na kita babalikan! Sige ibandera mo pa lalo ang pagmumukha mo dito sa Hexagon! Wait until my father find out about it and ruin you!"


"I'm not afraid of your father. Hindi ako katulad mo! Did you finally go crazy at tinotoo mo ang plano mong pagsira sa pamilya ni Blake Monteverde?!"


Taas noong tiningnan ni Isabelle ang binata. "Yes. I told you I won't settle unless I get what I want!"


Napangisi si Brandon nang may di makapaniwalang mukha. "And I'm no longer belong to those things na kailangan mo, right?"


"Yes," madiing sagot ng dalaga.


Nagtitimping tumalikod si Brandon. Napatingin siya sa taas at napasuklay ng kamay sa buhok habang napapapikit. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Nang humarap siya sa babae ay napapangisi na lamang siya.


"I heard that you're pregnant," malumanay nang pagkakasabi niya.


"Yes."


"Totoo bang anak ni Blake Monteverde yan?"


"Oo," walang kakurap-kurap na sagot ni Isabelle.


"How is that even possible?" tanong ng binata nang may nakakalokong mga ngiti.


"It's possible because I slept with him."

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon