[32] Bloody Guilt

270K 6.1K 1.1K
                                    

                                                 

                                             ****

Binitbit ni Alex si Isabelle sa pool area at doon gigil na kinausap. "Ang tapang mo rin naman ano? Talagang ikaw pa mismo ang kusang pumunta sa lungga ko at nagsama ka pa ng reinforcement! Anong plano niyo? Ang gulatin yung matanda sa kasinungalingan mo't hayaan itong atakehin?! Sa tingin mo pag nangyari yun, magsasawalang kibo lang ako?!" namumulang wika niya.

Humalukipkip si Isabelle at kalmadong ngumiti. "I'm not here to make a scene. Nandito ako dahil pinasama ako ni Daddy and I couldn't say no."

"Huwag kang maghugas ng kamay dahil kahit sabunin mo man yan ng paulit-ulit umaalingasaw pa rin ang baho ng budhi mo!"

"Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala. But I'm telling you the truth," naninindigang wika ng dalaga.

Ngumisi si Isabelle habang pilit tinatakpan ang kabang nararamdaman. Naapektuhan siya sa pananakot ni Blake lalo pa't nakarating din sa kanya ang ilan sa mga detalye ng ginawa ng babae sa mga kidnappers. Subalit wala siyang magawa dahil ang kanyang ama ang nagdesisyon na dalawin ang dating chairman ng Golden Pacific. Kagustuhan nitong sumama siya upang unti-unti na rin siyang mapalapit kay Don Henry. Bagamat nakatanggap na ito ng banta mula sa matapang na asawa ni Blake Monteverde may bago naman itong mas mabigat na panakot. Kutob nitong hindi pa alam ng matandang Monteverde ang tungkol sa nangyari sa apo nito. Tiyak nitong mas higit na ayaw itong ipaalam ng mag-asawa.

"Kung hindi ito dahil sa sulsol mo , ano naman ang dahilan ng tatay mo na bumisita dito?"

Kumibit siya ng mga balikat. "I guess he just want to talk about the old days...Tsaka bakit ka ba masyadong natataranta? Are you sure you're worried na baka atakehin si Don Henry? O baka naman alam mong may possibilidad na matuwa pa siya kapag nalamang magkakaroon siya ng bagong apo na possibleng magtuloy sa lahi niya....ang isang bagay na hindi mo kayang ibigay."

"Hah! Ang lawak din naman ng imahinasyon mo ano? Sigurado ka bang galing ka sa pamilya ng mga negosyante? Eh mas may talent kang writer at artista!"

Nakita ni Isabelle na napakuyom ng mga kamay si Alex. Agad siyang kinabahan pero ganunpaman malakas ang kutob niyang wala sa prinsipyo nitong pumatol sa isang mahinang kagaya niya sapagkat dapat sana'y matagal na itong ginawa ng babae. Alam niyang puro salita at pananakot lamang ang kaya nitong gawin sa isang tulad niya.

Umayos siya ng tayo't ngumisi. Sa nakikita niyang pagpipigil ng babae tila mas ginaganahan siyang galitin ito. "Chill out. Akala ko ba hindi ka na mag-aaksaya ng galit sa isang desperadang katulad ko pero bakit para yatang apektadong-apektado ka ngayon?"

Nagpalinga-linga siya at napansin niya ang ilan sa mga bodyguards na nakaantabay sa paligid. "Hmmm...It looks like you're under house arrest. I understand Blake, nakakahiya nga naman kung hahayaan niyang pakalat-kalat ang gangster niyang asawa."

"Huwag mong bigyan ng ibang interpretasyon ang iniisip ng asawa ko. Oo hindi ako lumalabas ng bahay at alam mo bang bored na bored na ako kaya kung ako sayo aalis na ako dito baka maghanap ako ng excitement eh ikaw ang mapagdiskitahan ko!"

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon