[8] Talk Dirty

363K 7.2K 1.1K
                                    

                                                 

                                                    *****

     --But your booty don't need explaining

     All I really need to understand is

     when you talk dirty to me

      Talk dirty to me

      Talk dirty to me

      Talk dirty me--

Umaalingawngaw sa buong kabahayan ng mga Valdemor ang malakas na tugtugin. Ganadong-ganado sa pagsasayaw sina Dennis at Cassandra sa living room.

"Go Cassie! Go Cassie! Ikot ang balakang! Tapon ang balakang! Ikot,ikot, tapon!" masiglang turo ni Dennis.

Hataw naman ang bata. "Whooh! You're the best dancer Tito Dennis!"

"You're good too! Mana ka sa Tito. Kembot pa Cassie!"

"Dennis ano yan?!"

Nanlaki ang mga mata ni Dennis pagkarinig sa boses ng matandang heneral. Hindi niya ito nilingon sa halip ay mabilis at patay malisyang pinalitan niya ng panlalaking steps ang kanina'y medyo paseksing sayaw. Ibinuka niya ang mga paa at biglang humataw ng panghip-hop.

"Tinuturuan ko lang ng sayaw si Cassie, Lolo," di nakatinging sagot niya. Batid niyang pinanlilisikan na naman siya ng mga mata ng matanda.

"Tito, that's steps are too difficult," reklamo ni Cassie habang pinapanood at kinokopya ang panlalaking sayaw niya.

"Tinuturuan mo na naman ng mga kaartehan yan si Cassandra! Ilang beses ko bang sasabihin sayong ayokong makitang lalambot-lambot ka sa loob ng pamamahay na to!" pagalit ng matandang heneral.

Napapakamot sa ulong nilingon ni Cassandra si General Valdemor. Nakatungkod ito at inaalalayan ng isang katulong sa pagkakatayo. Lumapit siya sa lolo at niyapos ang hita nito.

"Lolo General huwag na kayong magalit kay Tito Dennis. Nagpapaturo lang naman ako ng sayaw kasi mamaya I want to dance in front of everybody."

Gumuhit ang mga ngiti sa mukha ni General Valdemor. Agad nitong nakalimutan ang pagkakunsumi sa panganay na apo. "Talaga? Sasayaw ang aming munting prinsesa. Can Lolo watch you now?"

Umiling si Cassandra. "No, Lolo General you can't watch yet. I want it to be a surprise."

"But you're dancing here in the living room. I can see you already."

"Then don't stay here."

"Hey little girl. Are you asking Lolo to be back in his room?" natatawang sambit ng matanda.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon