[6]The Insecure Husband

410K 7.6K 1.8K
                                    

       
                  ****

Linggo. Sa kusina ng pamilya Monteverde.

Nakangiwi si Cassandra habang nakapangulambaba't pinapanood si SP02 Balatbat kumain. Magkatapat ang dalawa sa mesa. Hindi maintindihan kung nandidiri ba ang bata o nagtataka dahil sa dami ng kinakain ng pulis.

"Tito Melchor..."

"Yes Cassie? What is it?" pilit na ingles na bigkas ng pulis habang puno ang bibig ng kinakaing sandwich.

"Don't you have a Mom in your house?"

"Bakit mo naman naitanong yan?" ngingiti-ngiting turan ng lalaki habang namimilog  ang mga mata at takam na takam sa mga pagkaing nakalatag sa mesa.

"Because everytime you come here parang lagi kayong gutom na gutom. You always ransack our refrigerator. Wala ka bang Mommy to cook food for you before you leave the house?"

Tumawa ng mahina si Balatbat. "May nanay ako kaya lang nasa probinsiya. Tsaka malaki na si Tito Melchor at di na bagay na tumira pa sa poder ng nanay niya. I'm an independent man already!" may pagmamalaki pang sabi nito.

Bumuntong-hininga si Cassandra at muli itong napangiwi nang may mapansing sauce sa gilid ng bibig ng kausap.

"Eew! You have smudge on your mouth..."

Pinunasan agad ni Balatbat ang bibig. "Sinasadya ko yan para paminsan-minsan makakita ka naman ng madungis," palusot nito.

"If you're not living with your mom, how about a wife?"

"Wala pa akong asawa."

Umikot ang mga mata ng bata at humugot ng isang malalim na hinga. "Kunsabagay I understand. Most of the girls go for looks first."

Binitawan ni Balatbat ang kinakain at tumututol ang mukhang hinarap ng seryoso ang maliit na kausap. "Bakit anong problema sa looks ko?"

"Too many to mention," nakangusong sagot ni Cassandra.

"Aba Cassie don't underestimate Tito Melchor. Maraming nagkakandarapang babae dito! It's my choice why I'm still single until now. It's because I'm choosy when it comes to girls!"

"Really? Di nga?" hindi kumbinsidong tugon ng bata.

"Hah! Oo naman!" sabay tayo ng pulis at ayos sa kuwelyo ng kanyang jacket. "Nakapiiiiiila ang mga babaeng nag-aagawan sa atensiyon ko. Sa totoo lang kapag nakakasabay ko yang Daddy mo sa paglalakad, nalilto ang mga babae kung kanino sa aming dalawa titingin. Di kasi nagkakalayo ang kaguwapuhan namin."

Nagsalubong ang mga kilay ni Cassandra. "You're dreaming! You're nowhere near my Dad's look!" protesta nito.

"Siyempre sasabihin mo yan dahil anak ka ng Daddy mo. Para sayo ang Daddy mo ang pinakagwapo sa lahat!"

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon