[37] Of Love And Other Reasons (2)

408K 8.1K 965
                                    


"...Can we meet at my house tonight? I'll give all the details and evidences. I want you to file the case as soon as possible. We can also start discussing about witnesses. Send the subpoena to all possible addresses in which the chairman could see it first hand..."


Tiningnan muna ni Blake sa rearview mirror ang anak na nasa backseat. Nang makitang abala ito sa paglalaro ng eroplanong gawa sa papel, saka nagbanggit ng pangalan ngunit bahagyang hininaan ang pagsasalita.


"...to Ms. Chan's penthouse, to their family house and even to Hexagon Realty..... Thank you attorney. Bye."


Tahimik lamang na nakikinig sa tabi ng nagmamanehong mister si Alex. Noon lamang siya nagkaideya kung ano ang sunod na plano ng asawa. Alam niyang dapat niya itong ikatuwa pero may dulot na kabigatan sa dibdib ang narinig niyang pakikipag-usap ni Blake.


"You look serious," puna agad ng asawa.


Ngumiti siya ngunit bakas ang katamlayan dito. "M-Medyo nagulat lang ako. Hindi ko alam na may plano ka palang ganyan."


"Honey after all what we've been through ini-expect mo bang mananahimik lang ako? Kung tatanggapin at palalampasin na lang natin ang ganito kalaking kasalanan ay para na rin nating binigyan ng karapatan ang sinuman na guluhin at saktan tayo," tiim bagang paliwanag nito.


"N-Naiintindihan ko. K-Kaya lang parang masyadong mabilis at sana sinabi mo muna sa akin," malumanay na pahayag niya.


"I don't want to preoccupy you anymore. Marami ka ng pinagdaanan," paliwanag ni Blake sabay tutok ng atensiyon sa daan. Ngayon niya lang pinarinig ang plano sa asawa sapagkat batid niyang malaki ang posibilidad na lalambot na ang puso nito dahil sa mga nangyayari.


Nanahimik ng ilang minuto si Alex ngunit maya-maya lang ay muli niyang tinanong ang mister nang may kahinaan at maamong tono. "Papaano na si Inspector Aldovar?"


"I talked to him about it. He understands and respects my decision. He was a victim too of this web of lies, kaya hindi mahirap para sa kanya na pumayag sa gagawin ko."


"Mom! Dad! Are you sure Uncle Inspector will be okay?" Biglang singit ni Cassandra matapos mabanggit ng ina ang pangalan ng binatang pulis. "I'm worried. How could we leave him alone with that bad woman? Baka saktan niya si Uncle Inspector."


Nginitian ni Blake sa salamin ang anak. "Stop worrying sweetie. Inspector can take care of himself. Besides, Ms. Chan is a woman. She couldn't hurt a strong guy like Inspector Aldovar."


Tumayo ang bata sa awang na nasa pagitan ng upuan ng mga magulang. "Mom is a woman too but she could kick the asses of the bad guys and they were strong men. I'm a girl too but I'm stronger than a lot of guys in our school..."


Napatanga si Blake at biglang nahirapan sa paghagilap ng isasagot. Nagpapasaklolong tumingin siya kay Alex.


"...Aish! I'm really worried Mom, Dad. Nasa hospital pa naman si Uncle Inspector which means he's weaker now," napapakamot sa ulong dagdag pa ng bata.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon