Kabanata XXXI

1.3K 32 16
                                    

---💛---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---💛---

Aminado si Raphael na wala siyang ibang intensyon sa pakikipaglapit niya kay Dulce nitong mga nakaraang buwan, liban sa paghangad niyang manumbalik ang kanilang relasyon bilang magkaibigan. Batid niya ring wala siyang karapatang mangialam sa pagpapaligaw ng babae kay Lazaro at nirerespeto niya iyon. Ngunit sa tuwing naglalaro sa kanyang isipan ang imahe ng matamis nitong mga ngiti na inaalay nito binata ay nababalisa siya.

Hindi siya ipinanganak lang kahapon upang hindi mapagtanto kung saan galing ang ganitong pakiramdam. Nagseselos siya sa pagiging malapit ni Dulce kay Lazaro. Nagseselos siya at sa kasalukuyan ay pinipiga ng emosyong ito ang kanyang puso.

Napabuntong-hininga si Raphael, pilit pinapakalma ang sarili. Dapat sana'y susunduin niya ang mga bata ngayon sa bahay ni Dulce ngunit lumiko siya sa kabilang daan upang tumungo sa bahay ng kanyang mga magulang. Kailangan niya munang linawin ang isipan bago niya magawang harapin si Dulce matapos ang nangyari noong kaarawan nito, isang linggo na ang nagdaan. Lasing lang siya noon pero hindi ibig sabihin, hindi niya na alam ang nangyayari sa paligid pati na ang kanyang... pinagsasabi.

Nang makarating siya sa bahay ng ina, agad niyang itong hinanap. Sabi ng kasambahay ay nasa hardin ito kaya doon siya nagtungo. Hindi naman siya nabigo dahil nandoon nga ang ina, abala sa paggugupit ng mga dahon sa isang hanay ng rosas. Tumikhim siya upang makuha ang atensiyon nito ngunit nagpatuloy lamang ito sa ginagawa.

"Ma," maikling bati niya sa gilid nito.

Napasinghap ito sa gulat at agad siyang pinalo sa braso gamit ang libreng kamay nito. "Ano ka ba naman, Raphael! Aatakehin ako sa gulat."

Napangiti na lamang si Raphael, bahagyang hinilot-hilot ang braso. "Ang bigat po ng kamay ninyo, ah."

Tumawa lang ang ina at inaya siyang pumasok sa loob upang magmeryenda. Sakto naman kasing alas nuebe na nang umaga.

"Buti naman at naisipan mong mapadalaw," ani Narcing na may ngiti sa labi habang inaabutan siya ng juice na gawa sa katas ng mangga. "Sayang lang at hindi kayo nagpang-abot ng Papa mo. Nagpunta kasi ng bangko iyon."

"Bibilhan ka na naman ng alahas no'n," pabirong sagot ni Raphael.

Napapangiti na lamang si Narcing at umiling-iling. Batid nilang pareho na may kaunting katotohanan ang sinabi ng anak. Sanay na silang dalawa sa galanteng paraan ng pagpapahiwatig ni Amon ng pag-ibig kay Narcing. Tila naging tradisyon na nga ito sa kanilang mag-asawa.

"Hindi pa tayo nasanay," pagsabay nito sa usapan at sumimsim sa juice nito. "Hmm... Ba't pala hindi mo dinala ang mga bata?"

"Nasa kay Dulce po nila ngayon," ani Raphael na agad naputol nang sumabat ang kanyang ina.

"Oo nga pala, ano bang plano mo sa pamilya ninyong dalawa? Talagang hindi na ba kayo magkakabalikan?" sunod-sunod nitong tanong, pabulong lamang na tila ba isang sikreto ang kanilang pinag-uusapan.

This Love Is GoldenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon