Kabanata XXIX

1.2K 22 14
                                    

---💛---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---💛---

Lumipas ang dalawang buwang nahulog si Raphael at Dulce sa palagiang paghalili ng pag-aalaga nila sa kanilang mga anak. Minsan, nakokonsensiya si Dulce at naiisip na kasalanan niyang nagkaganito ang pamilya nila. Kung hindi sana siya umalis, kung tiniis niya lang ang buhay niya noon, siguro'y hindi sasapitin ng kambal ang ganito. Pero wala naman nang maggagawa ang pagsisi niya kaya talagang nagsusumikap nalang siyang makabawi sa mga anak.

"Nak, nagpraktis kayo ni Mama kagabi?"

Natigil sa pagmumuni-muni si Dulce nang magsalita si Raphael sa kanyang tabi. Kasalukuyan siyang nasa daan, sakay sa kotse ng dating asawa kasama ito at ang kanilang dalawang anak. Napasilip siya sa mga batang nakaupo sa likuran. Naabutan niya si Dolly na mabilis na tumango-tango sa direksyon ng kanyang ama.

"Opo, Papa. Saulo ko na po iyong song po," malambing nitong sambit.

"Ang galing na nga po ni Dolly, Papa," sabat naman ni Dill na may kasama pang palakpak.

Nakangiting napailing si Dulce sa reaksiyon ng dalawa. Halata kasing nasasabik itong pareho sa closing ceremony ng kanilang paaralan ngayong araw.

"Siyempre, mana kayo sa akin eh. Natural lang na magaling kayo tapos matalino pa, 'di ba Dill?" natatawang pagsabay ni Raphael sa kakulitan ng dalawa.

"Hmm..." Iyon lang ang naging kontribusyon niya sa usapan na siya namang ikinalingon sa kanya ni Raphael, nakataas ang dalawang kilay.

"Wala..." nakangisi niyang sambit at itinuong muli ang pansin sa mga bata sa likod. "Dill, Dolly, saan niyo ba gustong magcelebrate bukas?"

Nang marinig iyon ay lalong nagliwanag ang mukha ng dalawa at napapatalon pa si Dolly sa upuan nito.

"Sa beach po, Mama. Please..." wika nito sa matinis na boses at pinagsugpong pa ang dalawang kamay.

Hindi nakatakas sa mata ni Dulce ang pagnguso ni Dill nang marinig ang suhestiyon ng kambal kaya muli niya itong tinanong kung saan nito gusto magliwaliw sa unang araw ng bakasyon nito.

"Doon po sa mall. Iyon pong maraming games," napapakamot sa ulo nitong sambit.

Napatango-tango si Dulce, hindi alintana ang pag-ismid ni Dolly sa gilid, at ibinaling ang tingin kay Raphael.

"Si Papa niyo na ang pagdesisyunin natin," wika ni Dulce. "Sa beach ba daw o sa mall, sa World of Fun?"

Bahagyang humina ang andar ng kotse at napansin niyang lumipad muli ang tingin ni Raphael sa kanya. "Ikaw, saan mo gusto?"

"Ikaw na magdecide," makahulugan niya namang sagot.

Mataman siya nitong tinitigan ng ilang segundo bago nito tinapunan ng tingin ang dalawang bata sa likod sa rearview mirror.

"Okay lang bang mag-beach muna tayo ngayon, Dill? Tapos sa susunod na linggo naman, sa mall naman tayo. Okay ba iyon sa inyo?" ani Raphael sa mahinahong boses.

This Love Is GoldenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon