Kabanata XVIII

1.3K 30 4
                                    

---💛---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---💛---


Tinitigan niya ang malamlam na mga mata ni Raphael upang matantiya kung ano nga ba ang nasa isipan nito. May kakaibang intensidad ang tinging pinupukol nito sa kanya at tila may sinseridad doon. Ngunit hindi niya magawang paniwalaan ang nakikita ng mga mata dahil baka ilusyon lamang ito ng pusong nagiging desperada na naman.

"Alam mo ba kung anong pinagsasabi mo, Raphael?" makahulugang tanong ni Dulce kasabay ng pagbawi niya sa sariling kamay na kasalukuyang hawak ng asawa.

Hindi nakaligtas sa kanyang tingin ang panandaliang pagbaba ng mga mata ni Raphael sa kamay nitong nasa pagitan nila. Ngunit agad ding bumalik ang tingin nito sa kanyang mga mata. Nahuli niya ang pagbuntong-hininga nito bago magsalita.

"Mahirap bang paniwalaan?" matigas nitong wika na may kasamang pag-igting ng mga bagang. "Alam mong hindi ako naglalahad ng mga bagay na hindi totoo."

Siya naman ngayon ang napabuntong-hininga. Mula sa kaibuturan ay hinugot niya ang lakas ng loob na muling ilabas ang mga hinaing sa asawa.

"Oo, alam ko. Alam na alam ko iyan, Raphael. Kaya nga ni isang beses hindi mo nasabing "Mahal kita, Dulce", diba? Tapos ngayon, sinasabi mong may nararamdaman ka para sa akin?" Saglit na tumigil si Dulce sa kanyang litanya at mapaklang tumawa. Talaga namang nakakatawang isipin para sa kanya ang biglang pagbago ng trato nito sa kanya. "Huwag na nating pilitin, Raphael. At huwag mo na akong pahirapan pa."

Matapos iyong sabihin ay agad na tumalikod si Dulce at iiwan na sana ang asawa sa kanilang teresa. Pero nahinto siya sa paghakbang pababa sa sementadong teresa nang habulin siya ng isang mabigat na tanong ni Raphael.

"Ambilis mo naman yatang mag-iba, Dulce?" ani Raphael. "Paano na iyong higit limang taong pagmamahal mo sa akin?"

Labis ang pamimitik ng puso ni Dulce na tinubuan ng uyam dulot ng binitawang mga salita ni Raphael. Nagtaas-baba ang dibdib niya at naikuyom ang sariling palad. Ngayon niya natuklasang may pagkaarogante din pala itong asawa niya. Taas ang kanang kilay, muli niyang hinarap si Raphael. Naroon pa rin ito sa kinatatayuan kanina at kita sa tindig at uri ng tinging pinupukol nito ang kumpyansa sa sarili.

"Talagang pinapamukha mo iyan sa akin ngayon?" matigas niyang sambit, halos hindi maibuka ang bibig sa pagpipigil na sigawan si Raphael. "May gana ka pa talagang ipagmalaki at ipagyabang sa akin iyang pagmamahal ko sa'yo? Oo! Minamahal kitang gago ka pero, ano, binalewala mo lang pagmamahal ko."

Pinanlisikan niya ito ng mga mata ngunit isang mapanuring titig lamang ang sukli nito sa kanyang pagsusungit. Makaraan ang ilang segundo'y bigla itong humakbang palapit sa kanya. At hindi niya nagawang umatras sa takot na matalisod pababa ng teresa. Nawalan ng espasyo sa kanilang pagitan nang bigla nitong hinila ang kanyang braso at kinulong siya sa isang mahigpit na yakap.

This Love Is GoldenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon