Kabanata XXVIII

1.6K 36 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


---💛---

 Kinabukasan, maagang dumating ang mga bata sa bahay ni Dulce. Siyempre, si Raphael ang naghatid sa kanila doon. Wala sa hinagap niya na magpapakita ito sa kanya matapos silang magkasagutan kahapon. Mas sibil pa yata si Raphael kaysa sa hinuha ni Dulce.

"Gustong magpunta dito kaya pinagbigyan ko na," kaswal nitong paliwanag nang iniwan silang dalawa ng kambal sa terasa at nagtakbuhan ito papasok sa bahay.

"Wala naman iyong kaso sa akin," kibit-balikat na sagot ni Dulce. "Baka ikaw pa nga ang magreklamo."

Napaiwas si Dulce ng tingin patungo sa kotseng dala ni Raphael nang mataman itong tumitig sa kanya, tila binabasa nito ang nasa kanyang isipan.

"Hindi... hindi naman," rinig niyang sambit ni Raphael makaraan ang ilang segundo.

"Okay..."

Biglang namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"Ano..." Napatikhim si Dulce at bahagyang nilingon si Raphael, painosenteng pinasadahan ng tingin ang suot nitong T-shirt na puti at puhaw na maong. Tipikal sa isang Raphael. "Wala kang lakad ngayon?"

"Wala," tipid nitong sagot na hindi na nasundan pa ng ibang paksa.

Muli na namang namayani ang katahimikan. Naroon lamang silang dalawa, parehong tikom ang bibig at nakatanaw sa kalsada sa unahan. Ilang minuto rin ang lumipas bago binasag ng matinis na tinig ni Dolly ang katahimikang iyon.

"Papa, ahas!" muling sigaw ng anak nilang babae mula sa loob ng bahay na siyang dahilan upang magkatinginan sila, nanlalaki ang mga mata, at nagpaunahan sa pagsagip sa kanilang anak sa nagbabadyang kapahamakan.

Nasalubong nilang pareho si Dolly at Dill sa sala. Basa ng luha ang magkabilang pisngi ni Dolly at nasa likuran nito si Dill. Mabilis na napayakap sa kanyang dibdib. Niyakap niya rin ito at marahang hinaplos-haplos ang ulo ni Dolly.

"Saan mo nakita ang ahas?" naaalarmang tanong ni Raphael sa kanilang anak, nangungunot ang noo.

"Doon po," humihikbing saad ni Dolly sabay turo sa direksyon ng silid ni Dulce. "Bigla po siyang nagdaan paglabas ko po sa kwarto, Papa."

Ang kwartong tinutukoy nito ay katabi ng kanyang silid. Napatingin siya sa kanyang kwarto habang yakap pa rin ang anak at napasinghap nang makitang may maliit na awang sa pinto. Hindi pa man nasisigurong nakapasok roon ang ahas, napapatayo na ang balahibo ni Dulce sa takot.

"May mga kahoy ka ba diyang pwedeng panghampas?" mabilis na tanong ni Raphael habang napapalingon sa bawat banda ng sala at kusina, naghahanap ng kung ano.

Agad siyang napatakbo sa kusina nang maalala ang tubo na isinandal ni Lazaro sa gilid ng lababo noong naglinis sila ng likod-bahay. Dinala na rin niya ang walis-tambo na kawayan ang hawakan.

This Love Is GoldenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon