Katherine Menchie Briones
Matagal akong nakatulala doon bago ko naisipang habulin si Hiro na ngayon ay papasok na sa Point88 Street.
Minsan kasi ay kung anu-ano talaga ang lumalabas sa bibig ni Hiro na nagpapatigil sa akin. Hindi nga lang pala minsan, dahil madalas ay napapuzzle ako sa mga lumalabas sa bibig nito.
“Hoy, hintay!” sigaw ko ngunit hindi man lang ako pinansin ng loko. Naabutan ko itong nasa rooftop na at nakaupo na naman sa favorite spot nito. Hinayaan ko na lang ito at inilibot ang tingin sa paligid. Maliwanag ang buong rooftop, mas maliwanag kaysa sa usual na liwanag niyon. Mas maraming christmas lights ang nakapaligid ngayon sa lugar. May nakaset up ring mini stage kung saan naroon ang drum set, guitars, piano at stand mic. Sa background ay mga letter balloons arranged as “HAPPY BIRTHDAY ROUTYRO”. I smiled at that - Tyro’s real name.
Tumingin ako sa gitnang bahagi ng rooftop. Ang mahabang mesang naroon ay puno ng ibat-ibang klase ng pagkain. At katulad nong unang beses kong makarating dito ay napapalibutan ulit ng mga balloons ang buong lugar. May mga birthday hat din sa isang mesang naroon kasama ng mga regalo. It’s like a children’s party - but a cozy children’s party. Si Maggi ang halos nag organized ng party na ito. And I want to commend her for doing so. The set up is perfect para sa gustong mangyari ni Hiro na birtyday surprise.
Sa pagmamasid ko ay napakunot-noo ako. Walang tao…maliban sa amin ni Hiro. Nasaan si Stienn? Si Allan, Anton at Dan? Iyong mga kabanda ni Hiro? Akala ko ba settled na ang lahat? Bakit wala ang mga bisita? Nasaan ang mga taong yon?
Muli kong inilibot ang paningin nagbabakasakaling makikita ang mga taong hinahanap ko, pero wala. Tahimik ang paligid maliban sa isang melow music na mahinang tumutugtog. Nilapitan ko si Hiro.
“Nasaan sila? Baka mamaya ay darating na sila Maggi tapos ay wala sila.”
Sarado itong bar at walang tao sa baba kaya nagtataka talaga ako kung nasaan sila. Hindi kaya ay hindi tumuloy dito si Stienn pag alis nito sa hospital kanina? Pero bakit naman nito gagawin iyon? Mas excited pa nga ito kaysa kay Hiro sa party na ito.
“They will be here. Baka may pinuntahan lang.” ani Hiro at tumayo. Tinungo nito ang mini stage at kinuha ang gitara. Tinuno nito iyon ng ilang sandali at nagsimulang tumugtog sa mabagal na paraan. Sa lahat ng iyon ay sinusundan ko lang ito ng tingin.
Nawala na sa utak ko ang paghahanap kay Stienn at saiba pa ng magsimula itong kumanta.
“Should’ve stayed, were there signs I ignored?
Can I help you, not to hurt, anymore?
We saw brilliance, when the world, was asleep
There are things that we can have, but can’t keep…”Mataman ko itong tinititigan habang kumakanta…and he’s doing the same. His eyes darted on mine at kitang-kita ko ang emosyon sa bawat katagang bibitawan nito. If I’m not mistaken, I can see happiness and sadness at the same time in his eyes. There’s also a hint of pain and regret na sandaling dumaan sa mga mata nito. Pero hindi katulad ng lagi nitong ginagagawa ay hindi nito itinago iyon. It’s like he intended to show it to me.
And here’s the feeling again. Nararamdaman ko na naman ang pagbigat ng dibdib ko.
“If they say,
Who cares if one more light goes out?
In a sky of a million stars
It flickers, flickers
Who care’s when someone’s time runs out?
If a moment is all we are
We’re quicker, quicker
Who cares if one more light goes out?
Well I do…”Pakiramdam ko any moment now ay tutulo na naman ang luha ko. Ano bang magic meron ang tinig ni Hiro at sa tuwing maririnig ko itong kumanta ay naiiyak ako? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang nararamdaman ko ang paghihirap nito? To think na hindi naman talaga kami close. Ni hindi nga matatawag na friendship ang relasyong meron kami but here I am, scared that any time soon ay mawawala na ito. Yes, I’m admitting it now…natatakot na akong mawala ito. Natatakot ako na bigla na lang tumigil ang puso nito. I’m scared that he’ll stop breathing without seeing the real happiness in his face.
“Stop showing me that face Kachi.”
Tinig nito na nagpabalik sa akin sa realidad. Tinapos na nito ang pagtugtog at nakatitig na lamang sa akin habang nagsasalita sa microphone.
“If you keep showing me that face it will haunt me forever,even in after life, that I’m the biggest jerk on earth for letting you hurt like that. I don’t want to hurt you Katherine Menchie.” his exact words na nagpatigil ng mundo ko ng ilang sandali. And when it returns on revolving ay saka ko naramdaman ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko. Hindi ko pinunasan iyon sa halip ay muli akong tumitig sa mga mata nito at pinilit na magsalita kahit na nananakit ang lalamunan ko dahil sa pagpigil ng iyak.
“If you don’t want to see me hurting then please…be happy Hiro. B-because it will hunt me forever too that I didn’t see happiness in your eyes.” basag ang tinig na sabi ko.
Hindi ito umimik at nakatitig lang rin sa akin. Pakiramdam ko we’re making promises right now. Promises that being sealed with those stares.
Matagal kaming nagtititigan roon hanggang sa may tumikhim sa may puno ng hagdan. It’s Stienn. Naroon na ito kasama ang iba pa.
“Naglalaro kayo ng staring contest? Sorry ah, mamaya na tayo maglaro dahil nagtext na si Maggi at parating na raw sila. Buti nakahabol pa itong cake, ewan ko ba sayo Allan at ito pa ang kinalimutan mo e dito magsisimula ang main event.” mahabang lintaya ni Stienn habang inaayos ang cake sa mesa. Si Allan naman na kasunod nito ay kakamutkamot ng ulo habang tinutulungan na si Stienn sa pag aayos ng cake. Ang mga kabanda naman ni Hiro ay tinungo ang mini stage kung nasaan si Hiro na balik na naman sa pagiging emotionless.
Bumuntong hininga ako at mabilis na pinahid ng kamay ang pisngi. Si Anton at Dan ay nilapitan ako.
“I see. Nagmomoment kayo bago kami dumating no?” si Dan sa nang uusisang tinig.
“Let’s get ready. Baka parating na sina Tyro.” pagtatapos ko sa usapang hindi pa naman nito nasisimulan. I don’t want to talk about what happened earlier.
Muli kong sinulyapan si Hiro na bumalik na sa sofang kinauupuan nito. He’s also looking at me with those expressionless eyes…but suddenly I saw him giving me a weak smile.
***
Song Used: One More Light
By: Linkin Park
YOU ARE READING
Walking In The Wind
General FictionWe have some good times didn't we? We have some good tricks up our sleeve Goodbyes are bitter sweet But it's not the end, I'll see your face again... You will find me Yeah you will find me In places that we've never been The reasons we don't under...